Hello guys! Kamustamos? Yes, buhay pa ako... Long time no hear ano? More than a month ata ako hindi nagpaparamdam eh. Pasensya na talaga ha... Sobrang kabusy-han lang talaga...
Anyway, lam niyo ba, dito sa house namin wala kaming problem sa anay, daga or mga ipis. Pero ang pinakapurwisyo sa amin, ang mga LANGGAM!!! As in ang daming langgam! Of different sizes ha! May bahaw bahaw (tawag nila dun sa very small ants), army ants at naglalakihang mga antik. Ok lang sa akin ang black ants eh, kasi di nangangagat. Pero yung mga red ants, yun yung ayaw na ayaw ko.
Eh paano ba naman, di ka makapaglagay ng mga pagkain sa counter top. Naaamoy nila kaagad. Lagi pa namin nilalagyan ng palanggana na may water para di makapunta sa food. Tapos yung mga chips, cookies or other food na nakabalot pa, talagang bubutasan nila para makain nila. Kaya nga yung food cabinet namin, lalong naging mukhang organized dahil may mga air tight containers para sa mga nakaplastic or nakapouch na food items. Tapos, yung ibang mga biscuits and bread ng mga Kulilits, need ko pa talaga ilagay sa ref para hindi matira ng mga bwisit na ants na yan.
And just recently, siguro masyado na silang desperate makahanap ng makakain, alam niyo kung ano ang tinira nila?
Yung adapter ng laptop ko! Kaloka talaga!
All the while, akala ko, may nasira lang sa loob. So pinacheck namin kung marerepair pa, pero pagbukas, eto ang bumulaga...
O di ba? Bongga ang mga red ants na yan! Ipinasok yung adapter ko. Baka siguro akala nila candy yung pandikit. Hahaha! Bad trip nga eh, nagkaroon tuloy kami ng unexpected expense na P2,500.00. Sayang din yun ha!
Gaganti din ako sa mga ants na yan. Hopefully, mawala sila sa pagpest control ko dito sa bahay. Magpapa-anti-termite injection kasi ako for prevention, so kasama na ang pest control dun. =)
No comments:
Post a Comment