Ads

Sunday, October 18, 2015

Some Annoying OLX Buyers

Before we transferred to our new house and until now, I've been using OLX to sell our old things and furniture. Ok naman so far dahil kahit papaano, nabebenta naman namin yung mga gamit namin ng hindi kami masyadong talo. Pero siyempre until now, may mga gamit pa rin kami na di pa nabebenta like our rattan sala set, crib for twins (hard wood), rattan floor lamp and rattan divider. May mga nag-iinquire naman, kaso siyempre may mga bagay na di mapagkasunduan like yung price and yung place na pagkukuhaan ng item.

Since we live here in the south and it will be too hard for us to deliver the items, for pick up lang talaga siya sa house namin or if possible naman pwede makapagmeet up sa Makati area. Pero as much as possible for pick up lang talaga kasi may ibang buyer na biglang aayaw once nakita yung item. Lam niyo yun, sayang ang effort. Kung baga, "As is, where is" dapat eh!

For the price naman, we are open for negotiations naman pero siyempre may ceiling price din kami kung saan hindi naman kami magiging sobrang kawawa. Kahit papaano naman, maingat kami sa gamit and hindi naman mumurahin yung gamit na binibili namin. What annoys us is yung mga buyers na sobrang barat. As in barat talaga! Ang sarap nga minsan i-reply eh, na "sa iyo na yang pera mo, maghanap ka nga kung may mabibili kang ganyan sa halaga na tinatawad mo!" Nakakabad trip lang eh. Pero siyempre, hindi ko na pinapatulan yung mga ganung buyers, hindi na lang ako nagrereply sa message nila. Just recently, may nag-inquire ng rattan divider namin. Asking price ko is 5k. We bought it at almost 10k at Tiendesitas dun sa mga for export na furnitures dun. Hiningi sa akin yung measurements at nagrequest pa ng iba pang pictures. So eto naman ako, nag-effort na magpicture and pinameasure ko kay hubby yung divider. Nung naimessage ko na, sagot ba naman sa akin... "pgicipan ko po". Wala man lang thank you. Tapos maya maya nag-message na naman... "1k po". Aba, ano yung item ko, pang palengke? Kabwisit lang eh. Di ko na lang pinansin. Besides, hindi naman kami nagmamadali ibenta yung gamit namin and we believe na may bibili at bibili pa rin.

So yun lang, nagvent out lang ako... Kayo ba nakaka-experience din ng ganito kahit hindi sa OLX?

2 comments:

  1. Yung paglipat naman namin, sa facebook ko lang pinost mga items. Gusto lang sana ipamigay ng husband ko yung mga pinaglumaan namin. Yung iba kasi one year palang namin nagamit like yung sofa and dining set, sabi ko ibebenta ko. Pinost ko sa facebook. Wala pang one week, naubos na. Ang mga bumili kasi friends, relatives or acquaintances, so hindi nangbarat. Kung tumawad man, very reasonable at hindi ako manghihinayang kasi kakilala ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. O wow! Ang galing! =) Sige, itry ko nga ipost sa FB. Thanks for your suggestion. =)

      Delete