Ads

Saturday, December 15, 2012

Usapang Mag-Asawa: Doc Padu and the Fat & Thin Chicken Longganisa

I just want to share you a funny story that happened last night.

A short background muna...

Since July 2012, I'm not buying pork and beef anymore. As much as possible vegetables lang talaga kami and paminsan minsan chicken and fish. Kaya pag nasa in-laws or sa parents ko kami kumakain, praise the Lord lagi si hubby aka Doc Padu. In short, namumula hasang niya. Hehehe...

So back to my story...

Nung time na kukunin ni hubby yung ice cream sa freezer, he noticed something. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at na-excite. Bakit kamo? Nakakita siya ng longganisa. Hindi lang kamo basta longganisa ha, Fat & Thin ang brand niya (sarap kasi talaga ng pork longganisa ng Fat & Thin eh). Siguro nagtaka kung bakit bigla akong bumili ng Fat & Thin na longganisa kaya biglang inulirat yung label at biglang nabasa: "CHICKEN LONGGANISA". At ang kanyang dilat na dilat na mata ay biglang nanamlay.

Tawang tawa talaga ako sa kanya habang pinagmamasdan ko siya. So inasar ko pa siya...

Me: O bakit?
Doc Padu: Anong bakit?
Me: Bakit ganyan ang itsura mo?
Doc Padu: Paanong bakit ganito itsura ko?
Me: Wala lang, parang bigla ka lang nalungkot.
Doc Padu (iiling iling): I never expected na gagawa ng chicken longganisa ang Fat & Thin!

O see! Tama assumption ko na biglang nawala ang kanyang high hopes na Fat & Thin pork longganisa ang kanyang nakita. Hehehe...

No comments:

Post a Comment