Ads

Sunday, December 09, 2012

Flavors of the Month: Mantecado & Bubble Gum Mallows

I usually buy two flavors of ice cream every month para may instant panghimagas kami sa house. Pero this month, fail talaga ang mga napili kong ice cream flavors unlike nung mga nakaraang months. =(

Our ice cream flavors for the month of December are...

Arce Dairy's Mantecado (Manila Vanilla): Ok lang. Pwede na. But I'm not really satisfied. Mas masarap pa kasi yung ordinary vanilla ice cream eh. Ewan ko ba kung bakit ako na-attract dito sa flavor na ito. Akala ko kasi masarap yung "Mantecado" eh. Parang ang dating kasi malinamnam pero hindi pala. Hehehe.






Big Scoop's Bubble Gum Mallows: Eto talaga, big FAIL!!! Parang nasusuka ako habang kumakain nito. Para ka lang naman literal na kumakain ng bubble gum. Sabi nga ni hubby lasang Bazooka. Kaya ko naman napili ito kasi gusto ko talaga ang bubble gum flavored ice cream. Kasi yung mga natitikman ko naman before, masarap naman. Pero this one, hindi na talaga mauulit.






Pansin niyo konti pa lang ang bawas ng mga ice cream? Hindi kasi talaga mabenta sa amin eh. Hehehe.

Kayo guys, what are your favorite ice cream flavors?

No comments:

Post a Comment