Well, it is the kulilit's 2nd Halloween. Last year they were angels and this year, they were cute pirates. They attended 3 Halloween events - Robinson's Galleria, La Marea Subdivision and Westgate Alabang. Di naman halatang kinareer di ba? Kailangan din kasing sulitin ang costume! Hehehe.
Event 1: Robinson's Galleria (October 28, 2012)
Nagkataon lang ang pagsali namin sa event na ito. Pacheck-out na kami that time sa Crowne Plaza nung sumaglit ako sa Robinson's Galleria to buy some Wintermelon Milk Tea at the Gong Cha kiosk. Napansin ko na may trick or treat activity and since ako'y isang hamak na usisera, nilapitan ko yung in-charge at nag-inquire ako about it. She told me that the event is free-of-charge and we have to finish three challenges in order to get a loot bag and other free stuffs. Since free siya, dali dali akong tumawag kay hubby and instructed him not to get our car muna and pinapunta ko kaagad sila ng mga kulilits sa activity area.
So ayun na. Ako lahat ang gumawa ng activities dahil hindi pa marunong ang mga kulilits. Tapos since different areas yung activities, we had a chance na magtrick or treat sa mga stores na dinaanan namin. Sobrang saya ng halloween activity na ito dahil lumabas ang pagkakapal ng fes ko! Hehehe. Ang hiya ay nawala sa bokabolaryo ko para lang matapos lahat ng activities.
I tell you, sulit naman dahil kotang kota na kami kaagad. Hehehe. Dito ko lang din narealize na gagawin lahat ng magulang para sa kanilang mga anak.
Here are some of their pictures from that event...
Ian with Doc Padu |
Chris |
Event 2: La Marea Subdivision (October 28, 2012)
After the event at Robinson's Galleria, nag-ala Schumacher si hubby pabalik sa house namin para makahabol kami sa Halloween Event sa La Marea which is sa San Pedro, Laguna pa. Yung FIL ko ang nagsundo sa amin sa house since hubby needs to do rounds pa sa mga patients niya.
Sakto lang ang dating namin sa La Marea Clubhouse kasi pastart pa lang ang activity. There is a P200.00 registration fee for each participant which is inclusive of the snacks, games, magic show and photo booth. There is a costume contest din wherein nagrampa ang mga participants. At first naalangan ako baka hindi maglakad ang mga kulilits dahil natatakot sa mga naka scary costume. Pero nung malapit na turn namin, binulungan ko talaga sila na they should walk and dance. Buti naman at masunurin ang boys at hindi kami pinahiya. Hehehe.
Here is the proof nung nagdance sila...
In fact, they won the cutest costume...
Their prizes are endangered species Gund stuffed toys from Rustans - Cloud Rat and Tamaraw...
Ben the Cloud Rat |
Diego the Tamaraw |
Eto yung nanalo sa best in costume. Kakaiba nga naman and nakakatakot. Yun nga lang, nagmukhang kawawa yung bata...
After the awarding ceremony, nagpicture picture na kami sa photo booth which muntik muntik nang hindi kami nakaabot. Alam niyo yung feeling na ang tagal mo nang nakapila tapos nung turn mo na sasabihin hindi na pwede. Amp na yan! Inaway ko nga yung operator. Sabi ko hindi pwepwede dahil nanalo yung mga boys ko sa costume contest. Kailangan nila ng souvenir. Natakot ata sa akin kaya nakapagpicture din kami. Hahaha.
We did not finish na the activities sa clubhouse kasi medyo late na. I asked my FIL na mag-trick or treat na kami around the subdivision kasi I overheard the organizers na yung ibang houses naubusan na ng mga ipinamimigay dahil may mga outsiders na nagtritrick or treat din. Buti at game ang FIL ko. So ayun na, nag-ikot ikot na kami and here are some of the photos of the kulilits...
I super love this shot...
Ian and Chris |
Ian with Lola Es...
Chris with Lolo Em...
And here are the kulilit's loots...
Ang dami ano?
Event 3: Westgate Alabang's Spooktacular Halloween (October 31, 2012)
When we went to Gymboree at Westgate, we got a flyer for this event. Since free ang registration, gora kami dito. It was a night full of activities din. There are games, magic show, mascot appearances, photobooth, trick or treat and a lot of dancing.
Here are some of the pictures from that event:
The simple stage...
With Ian at the registration queue...
Claiming the loot bags...
Ian and Chris showing their dance moves...
Ian and Chris dancing with a baby girl pirate...
At the photo booth...
Family photo with the magician...
Ian and Chris during one of the games...
Dance number...
With the kulilits watching the magic show...
After the magic show, we went around for the trick or treat activity. Too bad that not all the restaurants participated in the activity.
That night is very tiring but really fun specially when I see my boys enjoying the activities.
Well, that is my kulilit's halloween for this year. Ano naman kaya ang costume nila for next year??? Hmmmm...
No comments:
Post a Comment