Ang kulilits ay mga unang apo. Alam niyo na kung ano ang kinahahantungan ng mga unang apo... SPOILED by the lolos and lolas. In short, mga peyborit!!! No choice kasi ang mga lolo't lola dahil ang mga kulilits ang kanilang kauna-unahan at bukod tanging mga apo. Hehehe.
Since dalawa sila, laging dalawa ng dalawa ang mga stuffs na binibigay sa kanila. Just imagine our house. Masikip na nga, mas lalo pang sumikip sa dami ng toys nila. Puwede na nga kaming maging toy store eh. Hehehe.
Anyway, I just want to share the new stuffs that their lolas gave them recently.
Mama G gave them these toy airplanes. Mahilig kasi ang mga kulilits sa airplane eh kaya nung nakita niya ito sa Dampa, binili niya kaagad ito. Cute nga eh, they need to push it para umikot yung elisi (tama ba spelling?) and para may sound.
Mama G bought them Toy Story and Cars DVD set at SM Southmall. Biglaan lang yan. Pumunta lang talaga kami sa Southmall to eat lunch pero may Smartoons event doon and nakita niya ito and dinampot din ng mga kulilits. Chris chose Toy Story and Ian chose Cars. Nakaligtas ako sa pagbili. Hehehe. I was planning to buy them these DVDs din kasi eh.
Lola Es naman gave them these basketball jerseys since the kulilits love to play basketball. Abot tenga nga ang kanilang mga ngiti eh nung sinukat nila ito.
That's all! =)
No comments:
Post a Comment