Before, napakadali pumunta kahit saan. Walang ka-stress stress. Malalasap at ma-eenjoy mo talaga ang food at tipong mabibigyan mo talaga ng tamang judgment.
Pero ngayon, sobrang CHAOTIC and STRESSFUL! Imagine us, with 4 kids. 3 boys and 1 girl. Tapos lahat 6 and under. Haaayyy buhay talaga.
Do you want to picture it?
- Messy table
- Food everywhere
- Utensils falling on the floor
- Drinking water / Beverages spilling
- Noisy kids
- Kids fighting over some petty things
- Kids moving and running around
- Changing moods of children
- Kids throwing things
- and many more...
As a result, hindi na namin ma-enjoy ang pag-food trip. Nandiyan yung namaster na namin ang pagkain with one hand (if there's no high chair), yung mamadaliin mo na ang pagkain para matapos na at makaalis na kaagad and yung feeling na instead na ma-satisfy ka sa pagkain ay yung napagod ka lang. Kaya minsan talaga mas gugustuhin na lang namin ang kumain sa bahay.
Hindi ko alam ha, minsan naman ok ang pagdine-out namin. Pero minsan talaga super to the max ang gulo.
Sa aking pag-assess, may mga factors din siguro na nakaka-affect ng behavior ng kids. Like kapag sleeping time na nila (around 3pm and around 9pm). Mga kids kasi namin, hindi nagtotopak kapag inaantok. Ang senyales ng pagkaantok nila is nagiging hyper sila masyado. Another factor is the restaurant's ambiance. Kapag medyo maingay at magulo ang place, magulo din sila. Lastly, if pagod din sila, it's either nagiging hyper or tinotopak sila.
Though nakaka-stress, wala naman kaming choice di ba? Haha! Pero part na yan ng aming life as parents. I'm sure na mamimiss namin ang stressful and chaotic food trippin' namin with our kids when they grow up. =)
No comments:
Post a Comment