It is located inside BF Paranaque, along Aguirre street. It is a new establishment kaya marami ang taong pumupunta. Maswerte lang kami kanina dahil may parking na available. Plus na rin na may kids kaming kasama kaya binigyan kami ng priority ng parking attendant. Limited ang capacity ng parking area nila so swertihan lang talaga. Pero ang alam ko right now, may partner establishment sila na pwede kang magpark tapos may free shuttle sila. O di ba, bongga?
So here is the facade of Container Turf... basically, mga container siya na pinaganda ang setup...
Parking area...
Here are some pictures that I took inside...
1st floor...
Second Floor...
Meron pa silang veranda area eh. Pero I didn't go there na kasi umuulan.
Anyway, remember Street Life? Parang ganun siya dahil maraming food stalls inside pero minus the passport. Aside sa mga food stalls, masasabi mo rin na gimikan siya (Sorry for the term, tita na kasi ako eh, gimikan kasi ang tawag namin before. Hahaha!). Ang daming mga bagets! Naalala ko tuloy nung kabataan ko. Haha!
With the food choices, hindi siya yung tipikal na pang-real meal. Ummm... Real meal? Yung kanin levels ba. Feeling ko kasi more on pica pica halos ang choices ng food na pang-match sa alcoholic beverages eh. Buti na lang at may Italian food stall, at kung hindi todas na naman kami sa mga kulilits.
Here are the food that we ate last night...
We got Four Cheese Pizza and Ayan's Carbonara form Ayan's Food Stall...
Chicken Potato Volcano from Tyler's Food Hub...
Ebi Tempura from Tokyo Tempura Unlimited...
Hash Brown Sandwich from Zig-Ah-Zig (complimentary from the owner who happens to be my schoolmate) =)
Chicken Wings and Bagnet Rice from Bagwings...
Got this Bubble Waffle from Bubble Wraps...
Pricewise, some food are reasonably priced and some are not. Pero generally for me, reasonable naman. Ang labo ba? Haha! Eto na lang para medyo clear... For the 6 items that we ordered, we spent around P1,250.00. Ang hindi lang talaga matanggap tanggap ng asawa ko ay yung inorder niya na Chicken Wings and Bagnet Rice. Yung P200.00 daw, 2 chicken wings lang, kapirasong bagnet and mukhang wala pa raw atang 1 cup yung rice plus hindi pa raw masarap, lasang Tupperware daw yung Chicken. Sobrang di worth it daw. Sana nag-burrito or nagshawarma na lang daw siya.
Siya nga pala, isa lang ang stall na nagtitinda ng drinks. Medyo mahalia ang mga drinks ha. For instance, yung bottled water is P50.00 and yung isang fishbowl ng iced tea is P180.00. Dahil makunat kami, sa Ministop na lang kami bumili ng drink after namin kumain. Bawal kasi magdala ng outside food and drinks sa loob eh.
For the taste, pasado naman sa panlasa namin. Naubos namin eh. Hahaha! Except, of course, sa order ni hubby na sobrang pinagsisisihan niya.
If you were to ask me if babalikan pa namin ito, I'm really not sure. Parang kasi tama na ang na-experience namin ito. Feeling ko kasi, hindi pang-family ang ambiance, more on pang-bagets siya... gimikan ba... or hang-out... Pero if you just love to try new and unique food, ok naman ang place since maraming food na kakaiba.
So that's our experience at Container Turf! =)
No comments:
Post a Comment