Ads

Thursday, August 30, 2012

Smart Buys from SM

Ever since, I don't really invest that much on clothing. Hindi ako mabrand na tao when it comes to clothes. As long as it is trendy, comfortable and affordable okay na sa akin. I remember way back in college, I shop my clothes at Divisoria. Talagang dadayo ako dun para bumili ng damit. Bakit kamo? Here are the reasons:

1. Yung budget mo malayo ang mararating.

We don't have a uniform sa UP. So ibig sabihin, kailangan ko ng maraming damit and ang note ko sa sarili ko is as much as possible, hindi ako mag-uulit ng damit in one month. So perfect ang Divi kasi ang 1 branded na damit is equivalent na to 4 to 6 pieces of clothing.

2. Normally ang mga damit sa Divi is from Bangkok, Hong Kong and Korea.

Bangkok, Hong Kong and Korea is known for their trendy clothes. Kung baga laging nasa uso. Minsan nga eh, mas nasa uso pa kaysa sa mall. I even know people of high social status which prefer to shop sa mga tiangge since mas up to date daw sa fashion.

3. Trend in clothing changes a lot

Sayang naman di ba if you'll buy a branded clothing tapos pagdating ng panahon mawawala na sa uso? And beside, alangan naman na paulit ulit mong susuotin ang damit di ba. Aminin, di ba as much as possible, lalo na for the ladies, pag may event ayaw niyo na mag-ulit ng damit?

4. Sa nagdadala lang yan!

Hindi pa ako katabaan nung college days ko so it is easy for me to buy nice and trendy clothes. Hindi naman sa pagmamayabang, minsan akala ng classmates ko ang mahal ng suot ko and they even coined me fashionista that time. Pero those were the days... Ngayon, trinitry ko na lang. Ang hirap kasi magbihis ng mataba eh. So note to myself: Magpapapayat na ako talaga!

Ang haba ng intro ko... eto na ang totoong blog post ko...

Hubby and I will be going to Puerto Princesa this weekend. Wala na akong damit! Puro yun at yun na lang ang sinusuot ko since I'm so tamad na to buy clothes because of my FIGURE. Nakakahiya naman di ba if makikisalamuha ako sa mga kapwa doctor ng asawa ko kung hindi matino ang itsura ko. So I decided to go to SM and shop for some clothes.

Promise, ang hirap talaga maghanap ng damit para sa mga katulad kong pleasantly plump. Puro naman kasi pang slim ang tinda sa SM eh. I even went to the plus size section sa department store. Kaso naman, aside sa napakamahal  niya, pang gurangis pa ang mga designs. May iba na medyo okay, pero when I tried it, lalo akong nagmukhang malaki. I started to panic na pero buti na lang may Smart Buys section sa SM. Mura na, kasya pa sa akin. Hehehe.

Here are my loots...

Uber comfy loose polkadots blouse


Printed satin-like blouse.


Girly blouse (I don't know what word to describe this)


Another girly blouse (since it fits me well)

 
 
And two pieces of Soen leggings.

 
 



Believe me or not, I only got these items for less than 2k.


2 comments:

  1. labs ko din ang smart buys section :) imported na mura pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Correct ka diyan Bem! =) Aside from that, hindi nakakahinayang kahit idispose mo kaagad kasi mura di ba? =)

      Delete