Ads

Monday, August 13, 2012

Adventures in Kota Kinabalu: Travel Loots

KK is not a shopping haven. Like what I said in my previous post, their Sunday market (Gaya Market) is like our Divisoria na walang masyadong mabibili. And their Malls, wala rin masyadong mabibili, which is like our Greenhils naman. So we ended up buying at the grocery na lang. Hehehe.

So what did we buy?

At the Gaya Market, we bought the following:

White Coffee Beans. My hubby is such a coffee addict so hindi pwedeng hindi makabili ng local coffee.


Assorted ref magnets and a souvenir spoon (not in photo). I collect ref magnets from places that I've been to. I think kasi na ito na ang pinakamurang souvenir na mabibili ko na hindi consumable. Before, I used to buy display items. Pero sa liit ng bahay ko, hindi na siya feasible kaya ref magnets na lang. Hehehe.


Souvenir t-shirt. Initially, I'm suppose to buy lang for my kulilits kasi ang cute ng design. Then when I saw that it is also available in adult sizes, I had an idea to buy na rin para matching kami lahat. Pero hindi madali ha. Muntik nang hindi makabili si hubby. Mangiyak ngiyak na nga siya eh. Masikip kasi sa kanya ang XL. Eh ubos na yung black XXL sa store na binilhan namin and ang available na lang is gray. So sinuyod ulit namin ang buong Gaya Market. Remember his shirt na baliktad ang pagkakasuot? When he realized na baliktad pala, he even said na "Malay mo kaya baliktad ito pag hinubad ko at tama na ang pagkakasuot ko, swertehin na tayo!".  Inisa isa na ata namin lahat ng nagtitinda ng t-shirt eh. Buti na lang at nakaswerte din!


Cute namin di ba? Terning terning lang ang peg namin mag-anak!

At the grocery inside the mall, we bought naman the following:

Oreos. Why buy this? Just because of the can. Ang cute kasi eh. Pwedeng collector's item. It is a limited edition can in celebration of Oreo's 100 years.


Old Town 3in1 White Coffee. Sikat ang Old Town sa Malaysia kaya buy na rin kami nito. Pero I know available na rin ito sa local groceries natin.


Another brand of 3in1 coffee. Since coffee addict nga si hubby, buy na rin kami nito para matry niya.


Instant Gata. Aside sa masarap ang instant gata sa Malaysia, mura rin kaya ang dami kong binili.


And last but not the least, assorted instant noodles! Kung si hubby addict sa coffee, ako naman sa noodles.


Puro food no? Well, yan lang ang kaligahan namin mag-asawa and no choice naman din kami kasi wala naman mabibili sa KK unlike sa KL, HK and BKK na maraming shopping.

No comments:

Post a Comment