At 18 months, I think it is now time to potty train my kulilits. Ayaw ko naman na ang tanda tanda na nila tapos they are still wearing nappies.
Yesterday, I made them wear their briefs lang. I asked them once in a while if they want to pee. To my dismay, ayaw nila magcooperate. Ang kukulit! Grabe! Sa awa ng Diyos, wala pang 30 minutes naihian na yung briefs. So tinanggalan ni Manang ng salawal pero deadma pa rin ang mga kulilits, continue pa rin sila sa kalalaro. Ang resulta: nagmistulang malaking CR ang sala namin!
Ang hirap pala kasi 2 sila. To the point na dala dala namin ang potty trainer at hahabulin namin yung wiwi nila. LOL! Ang funny part pa dun is kapag wiwiwi na sila at magpapanic na kami ni manang, napuputol ang wiwi nila tapos bobomba na naman parang fountain. Maloloka na ata ako, di ko alam ang gagawin ko. Buti pa ang aso kaya kong ipotty train ang sarili kong anak, hirap na hirap ako. Sa isip ko, buti pa si Pawie ang daling turuan, isang sabi lang gets na niya.
Anyway, tiyaga tiyaga lang yan. Ika nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Pero kawawa nga lang si Manang at marami rami siyang lalabahan at pupunasan.
No comments:
Post a Comment