While on my way to the wet market, I'm thinking of the food that we are going to cook for the week. Bigla akong nagcrave ng alupihang dagat (mantis shrimp). Gusto ko sana igata na medyo spicy. Kaso lang bihira sa market ito. If you don't know what it is, here is how it looks like...
source |
While checking the products at the Moonwalk wet market, I saw a vendor selling alupihang dagat. Sabi ko pa naman sa sarili ko, jackpot ako kasi iniisip ko lang kanina tapos available siya ngayon sa market. I bought half a kilo of it.
Pagdating sa house, inayos ko na yung mga pinamili ko and I smelled something funky. Parang di maganda yung nabili ko and I asked Manang kung pwede pa yun. Ang daya ng tindero kasi hinaluan niya ng hindi fresh yung binili ko. Ang mali ko lang is hinayaan ko yung tindero na kumuha since ang bigat na ng dala ko and it was raining hard pa.
Manang told me huwag ng igata, ihilabos na lang daw niya para macheck kung pwede pang kainin. Buti naman at hindi nasayang lahat. Nakain pa naman niya yung iba.
Lesson learned sa akin ito. Alam ko na ang gagawin ko next time. Ako na mismo ang kukuha ng binili ko and iisa isahin ko to check kung ok. Pero talaga, babalikan ko yung tindero and sasabihan ko talaga siya. Nakakainis kasi yung mga taong mandaraya eh. Yung manloloko ng kapwa para lang kumita.
How about you, do you have some bad experiences in going to the wet market?
No comments:
Post a Comment