Ads

Thursday, July 26, 2012

Operation Siling Labuyo

The kulilits at this point are fond of putting things in their mouth. Subo dito, subo doon. Nakakatakot talaga baka kasi kung anong virus or bacteria ang makuha sa kasusubo.

One Sunday, my father-in-law noticed that Chris kept on putting things in his mouth so he suggested to rub some hot chili on it. Yun daw ang ginagawa niya sa mga anakis niya when they were little para madala.

Being an obedient daughter-in-law, I rubbed some hot chili on the toy that Chris kept on putting in his mouth. And the result...

HINDI EFFECTIVE!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Grabe talaga ang anakis ko. Kakaiba! Sa una lang naanghangan. Nung mawala ang anghang, subo ulit. Kahit namula na ang pisngi at labi sa anghang, go pa rin. Natawa na lang kami at kinantsyawan namin FIL ko na nasira ang strategy niya dahil wa-effect sa kanyang apo.

Ang hatol...

OPERATION SILING LABUYO: FAIL!

Wednesday, July 25, 2012

Tom's World

Last Monday, my mother-in-law brought us to Tom's World at SM Southmall. Miss na raw niya mga apo niya kaya pinasyal kami. As usual, naubos ang tokens kasasakay sa car. Addict kasi ang mga kulilits sa cars eh. Kapag nakasakay na yan, hindi mo na mapapaalis. Promise!

Ian

Chris
We also rode this big stuffed animals. I dunno what it is called. Basta yun na yun.

Lola Es with Chris

Ian and Me

After sumakay sa rides, ang naglaro kami na. Yes, you heard me right! Kaming matatanda. Hehehe. Triny namin yung dadakot ng tickets and yung maghuhulog ng piso to win tickets. In fairness ha, nakadukot ako twice ng tig 50 tickets. Dun naman sa tig pipiso, marami rami rin kaming nakuhang tickets. For fun lang talaga ang ginawa namin. Pero I'm telling you, nakakahook siya. Meron nga kami nakitang player, parang addict na addict na dun sa tig-pipiso. Ilang bucket ng piso ang hawak and nakababad na dun sa isang machine. Ginawang casino ang Tom's world. Nakakaloka!

We ended our pasyal sa pagkain ng merienda. We ate at KFC. Dun ko lang nadiscover na favorite pala ni Ian ang KFC gravy. Manang mana talaga sa Nanay. Hehehe. Mantakin niyo, yung fries dinidip sa gravy.

Ian enjoying his fries
We enjoyed this afternoon pasyal with my MIL. Sarap ulit-ulitin!

Tuesday, July 24, 2012

Activities with the Twins

Being a full time mom is mahirap pala no?

I'm so clueless on what to do with my growing kulilits that is why I keep on researching on activities for toddlers. I read that we should have reading and coloring activities. Masunurin naman ako so I tried it with them.

This is during our reading activity. At first, behave sila. You could see naman sa picture na nakakunot pa ang noo ni Ian at akala mo marunong magbasa. Pero bandang huli, di na mapakali, dinadala yung books sa sahig at ikot na ng ikot kung saan saan.


Very playful pa talaga ang mga kulilits ko. Very short pa ang attention span nila (tama ba ang term?) Sana after some time matuto na sila mapirmi sa isang lugar.


Next, we did some coloring activity. Eto, mukhang nag-enjoy sila sa pagdoodle sa paper. But after a few minutes, triny na ilabas lahat ng crayons sa box. Ewan ko ba, hindi naman nila kayang gamitin lahat yun ng sabay sabay. And eto pa...ginawang candy ang crayons. Sa awa ng Dyos, 2 crayons ang nasira dahil kinagat.


I'll try ulit gawin mga activities na ito until masanay sila. Sabi ng ng dad ko, kailangan talaga pagtyagaan ang pagtuturo if gusto ko talaga sila matuto.

Monday, July 23, 2012

The Kulilits at Dave's Playhouse

One boring day, I decided to bring the kulilits to SM Southmall para maiba naman. I remembered kasi that there is a playhouse there where they could play. Mahilig kasi sila sa Gymboree eh.

The name of the playhouse is Dave's Funhouse. Let me tour you...

Here is the place's signage.


The facade. You could see that it is gated and there is a small waiting area around. I could say that the place is secured. The gate is locked all the time and it is opened by a gatekeeper using a key. They also use finger scanning device for the authorized person to pick up the kids. High tech right? In my case, they asked me to scan my index finger 5x.


There is a petshop with lots of animal stuffed toys.


A fastfood and grocery store complete with dummy burgers, fries, ice cream, veggies, meats, etc.


A hotel, post office and a school complete with costumes and props.


 A fire station and jail with props also.


A giant slide and pool of balls.


The place is nice and there are a lot of toys but I think it is more suitable for kids and not for toddlers. Feeling ko kasi hindi masyado nag-enjoy ang mga kulilits ko unlike when they are playing at Gymboree kung saan hyper na hyper sila. Aside from that, may mga bully big kids around. Nang-aagaw ng toys...Dinadaan nila sa laki. Pricewise, pwede na. It's only P200 per hour for the kids and P20 per hour for guardians.

Here are some of the pictures of my kulilits playing around...

Chris riding a toy horse.

 Ian riding a toy motorcycle.

 Ian at the petshop.


Chris trying out the slide.


Ian playing the cash register at the grocery.


My kulilits at the pool full of plastic balls. Feel na feel. As if they were swimming talaga.


So there went our pampalipas oras. It is definitely fun seeing my boys having fun!

Sunday, July 22, 2012

Freebies at SLEX

Don't you love freebies?

Just this afternoon when we passed by SLEX, we received some freebies at Nichols exit and here they are...


New Milo Overload and Nestea Iced Tea 2-Liter pack! Yipee! Pambawas din ito sa grocery list =).

Saturday, July 21, 2012

Pictorial Before Going to Bed

Wala talagang dull moments every time I'm with my kulilits. Sobra nila akong pinapasaya. Like one night, nagpicture picture muna bago matulog. Game na game naman sila.

If you say to them "One...Two...Three... SMILE!", magpopose sila ng ganito:

Ian

O di ba, kulang na lang mabali ang leeg ng anak ko para ipakita ang kanyang ngiting makalaglag panty. LOL!

And if you ask them, "Paano ang gwapo?", they will do like this:

Chris

Sobrang adorable nila di ba? I'm so blessed to have these two kulilits!

Friday, July 20, 2012

Ian Dusing

One time, after I went to the wet market, nadatnan ko ang mga kulilits na kumakain. Sakto at may pasalubong akong Dunkin Donuts. What brought to my attention is Ian Boy. Ang dusing kumain. That's why I immediately got my camera so that may souvenir ako. Hehehe...

He looked like this...


Then when he realized that I'm taking pictures of him, nagpacute ang bulilit!


Kahit madusing, nakuha pang magpose. Ang cute ni Ian right?

Manang's Spoof: Arturo!!!

Do you know this?

photosource

Eto yung lumalabas every time nagsasabi sila Mickey Mouse ng "Oh Toodles!!!"

One day while watching Mickey Mouse Clubhouse and time to call Toodles...

Manang:  (to the twins) AAARRRTTUURRROOO!

Me: Manang, ano sabi mo?

Manang: AAARRRTTUURRROOO!

Me: Manang, hindi yan Arturo, Oh Toodles yan.

Manang: Gusto ko Arturo eh.

Me: Haaayyy Manang, wag naman yan ituro mo sa kambal.

So now, every time magtatawag na sila Mickey kay Toodles, inuunahan ko na si Manang. To the top of my lungs I'm saying "Oh Toodles!" to the twins.

Thursday, July 19, 2012

DISASTER!!!

Right now, my kulilits I could say is a walking disaster. Lahat ng makita gagalawin, lahat ng may pinto bubuksan at lahat ng masasampahan ay aakyatin.

I want to share you some pictures:

Yung mga wines namin na nakadisplay sa wine cabinet, pinaglalaruan. Ang gawa ni Ian, pinaguumpog yung 2 bottles ng wine to create a sound.


Yung cabinet where we keep our frying pans and stock pots binubuksan. Tawag nga ng Ninang Vey namin dito kay Ian is Inspector Gadget.


Oh di ba, may nakuha na sa loob. Ano kaya ang balak niyang gawin dito?


While Chris here is busy playing with the mini cd player. Panay patugtug ko ng kids song. Ayun naman siya panay patay sabay bukas ng player. Hindi lang dun natatapos ito, kakalkalin pa yung loob ng CD player.


Dito naman, balak yata magsaing ni Ian. Kumukuha ng bigas sa rice dispenser. LOL!


Sinamahan na dito ni Chris...


Si Chris naman, binuksan yung drawer and nagsimula na magkalkal ng mga gamit.


After sa kitchen, balik naman sila sa sala where we placed their kiddie table and chairs. Inumpisahan ni Chris na umakyat sa kiddie table.


Nakigaya na rin si Ian...


Eto ang major evidence ng kanilang pagiging disaster. Nabasag yung beetle candy jar namin. Ang taas na niyan ha, pinilit abutin. Buti na lang di natibo si Ian.


In our room, para silang si Spiderman. They like climbing the windows. As a result, ang dami na nilang pasa sa shin. Buti na lang boys sila.


Grabe ang mga kulilits ko no? Sobrang hyper nila. Kanino kaya nagmana? Hehehe. Hopefully, mangayayat ako sa kababantay sa kanila. =)

Wednesday, July 18, 2012

Very Curious Twins

My twins are very curious nowadays. Lahat sinusubukan at walang takot. If I say "NO", lalo nila gagawin. Ayaw paawat. So I decided na para matuto sila, I'll let them experience na masaktan as long as I know na hindi naman delekado for them.

So there are two scenarios:

Scenario 1: Electric Fan

Ever since, ang hilig nila lumapit sa electric fan. Ewan ko ba kung ano meron sa electric fan at aliw na aliw silang paglaruan ito.

One time in our house, they are trying to play with the electric fan. Sinasaway ko, ayaw talaga paawat. Knowing that the blades are plastic and medyo soft, hinayaan ko nga since nakita ko naman na unti unti lang nila trinitry ipasok ang fingers nila eh. So ayun na, tumama na ang fingers at nagulat. Good thing walang sugat at hindi umiyak (brave no?). So I told them "See!". Then, kunware trinitry ko ipatouch sa kanila ang electric fan. Sa awa ng Diyos ayaw na nila. Buti naman at nadala na.

Scenario 2: Lamp Shade

In our room, we have a lamp shade. We use it every night para naman hindi sobrang dilim ang room.

In this scenario, naalala ko yung story ng gamo gamo. As usual, very curious ang mga kulilits. Panay lapit sa lamp shade at gusto hawakan yung bulb. Incandescent pa naman. I told them not to hold it because it is hot. Ang kukulit! Niloloko pa ako. They are slowly reaching for the bulb while saying "hot! hot!."

Hindi nakatiis si Ian, he touched the bulb and cried like a cow. I told him "See! I told you it is hot." Then he immediately went to me and made lambing. When Chris saw what happened, I thought hindi na niya itritry hawakan yung bulb. But NO! He still did. Ayun, he cried also and went to me.

After that, they didn't attempt na to hold the bulb. Sila na mismo ang umaayaw if we are asking them to hold it. They will shake their head, say "Hot! Hot!" and go away.

Tuesday, July 17, 2012

Tulog Tulugan

I started to become a full time mom last July 1 and I am definitely enjoying it. Now, I can see my boys grow everyday.

Just recently, I discovered one kalokohan of Ian habang pinapatulog ko siya. Naku, marunong na umarte ang Ian Boy ko. I thought tulog na siya since sarado na ang eyes niya. Nung binaba ko sa bed, bigla ba naman dumilat at tumayo at ready to go na naman. Triny ko ulit patulugin at pinagmasdan ko siya. Ayun nga, nagtutulog tulugan lang pala.

Tawang tawa talaga ako sa anak ko, bata pa lang maloko na. Paano kaya niya natutunan yun?

Haaayyy...can't wait to see more of my kulilit's kalokohan.

Monday, July 16, 2012

S&R Loots

We went to S&R yesterday after going to Church to buy diapers for my kulilits. Diapers lang talaga ang dapat bibilihin BUT hindi talaga maiiwasan ang mga tukso lalo na kapag kasama ang mga boys (hubby and kulilits).

Here are some of things that we bought aside from the diapers:

Again, a big can of Royal Dansk Luxury Wafers. Favorite kasi ito ng kambal. Take note, marunong ng magturo ang Ian ko. Siya kasi ang bitbit ko while browsing the grocery. He recognized the can and hindi ako tinantanan hanggat hindi ko dinadampot ito. He immediately asked me to open it at nakakain kaagad ng 2 sticks. What is good about this big can is that it has all the flavors inside - chocolate, vanilla and cappucino.


Kiddie table and chairs. I really wanted to buy table and chairs for my boys para dito sila kakain and gagawa ng activities namin. So when I spotted these at S&R, dinampot ko kaagad. Ang ganda eh! Actually, may blue chairs din kaso the creative side of me made me choose the green chairs. Boring kasi kung all blue. I want some contrast kasi para mas masaya ang dating. Maganda naman ang color combination di ba?


And for my hubby, ang parati niyang kinukulit sa akin na Blue Bunny Ice Cream. Wala kasing bukang bibig every time magtetext sa akin is "I want Blue Bunny!" o di kaya "Pa-Blue Bunny ka naman diyan!". We chose White Chocolate Macadamia Nut Cookie flavor para maiba naman. We usually buy Cookie Dough or Bunny Tracks kasi.


So that ended our day yesterday and we all went home happy =).

Sunday, July 15, 2012

Like a Pro

My father-in-law is into real estate business. Aside from that, he is also an independent contractor. His recent project is at Regalia Towers. He bought a bare condominium unit there then renovated and designed it.

I want to share you the outcome of his project. Ang galing eh, considering that he is neither an architect nor interior designer but made the condominium unit look like built by a pro.

Here is the sala. This is convertible to another room. The couch used is a sofa-bed. Notice the painting? It is actually a cloth bought in Divisoria. My FIL just framed it. How resourceful di ba?


Here is the dining area.


Here is the kitchen. I like the cabinets and the way it is organized.


This is the other side of the kitchen. 


The washing machine is built in one of the kitchen cabinets.


The ceiling. 


The bedroom.


The bedroom cabinet. It has mirrors so that the room can look big.


 Ang galing di ba? Sabi nga namin ni hubby sa kanya namin ipagagawa yung condo unit namin in the future.

If you are interested to get my FIL as a contractor, you call contact him at 8815441 or 8697095.

Saturday, July 14, 2012

Fun at the Bath Tub

My kulilits are so addicted to waters. As in swimming! Siguro magiging Eric Buhain ang kambal in the future. When we where in Subic, pinunterya kaagad nila ang bath tub sa hotel room namin. Walang patawad kahit gabi na, babad pa rin sila sa tubig.

See here? Chris opened na kaagad yung faucet.


Ian naman, inuunti unti na ilagay ang hands niya sa loob ng tub.


Para mapagbigyan, pinaligo na namin sa bath tub. Look at the face of Manang, parang hindi alam ang gagawin sa dalawa.


May padila dila pa si Chris dito, halatang enjoy na enjoy sa tub.


Hala! Wisik dito, wisik doon. Nabasa na si Manang!


Hala sige, kaya mo yan Manang! Hehehe. Ang lilikot ng kambal!


Pansinin niyo si Manang, parang hirap na hirap na sa kambal. Hindi alam kung sino ang hahawakan.


Aren't my twins so adorable?