Anyway, the usual me, sinuyod ko yung buong HMR. Inisa isa ko and inulirat ko yung mga tinda doon. Unfortunately, wala akong nakitang manual na lawnmower. =(
Pero, may nabili pa rin naman ako, and eto yun...
Yup! It's a bread toaster! Ang babaw ano? Haha! Actually, matagal ko na gusto bumili ng bread toaster, mahilig kasi sa toast si hubby and mga kiddos ko. Di ako nakakabili kasi ang parati kong nakikita, pang two pieces na bread lang. Pero this one, perfect! Aside sa pang four pieces siya na bread, may additional features pa like yung reheat and defrost. Tapos, pwede mo pa iset kung ilang minutes mo ito-toast.
And guess what? mukha siyang mahal di ba? Mura lang yan... P599.00 ko lang nabili. Take note, brand new pa yan(May items kasi sa HMR na second hand eh)! Sulit the price ano?
The brand nga pala is Homemaker. Actually, may promo sila that time for that brand. Buy 1 then take any other item of the same brand for 50%. Bibili sana ako ng handheld steamer for clothes kaso nag-iisa na lang yung item tapos hindi pa gumagana. =( Hindi na lang ako nag-avail ng promo since ayaw kong bumili ng something na hindi ko naman kailangan.
Here's how it works...
Nakakagulat ano? Exagge lang ang pag-angat ng breads pagkatapos matoast eh. Hahaha!
Lam niyo, may drawback lang ang pagbili ko nito. Lumakas kami sa Tinapay at palaman!!! One pack of Gardenia bread a day kami!!! Di naman ako mamumulubi ano? Hahaha! Anyway, ok lang, as long as masaya at busog ang mag-aama ko. =)
No comments:
Post a Comment