Ads

Friday, March 10, 2017

Christoff's First Time at Kids Church

Last Sunday, I told hubby that I'll bring Christoff to Kids Church. Gusto ko na kasi siya masanay with other kids around. Aside from that, he's 3 years old already so I think it's about time to bring him there.

With Christoff, medyo tough ang pagdala sa kanya sa Kids Church. He's the playful type kasi. Tapos yung play niya, rough talaga. That is why I accompanied him inside. Kailangan ko muna bantayan at baka kasi maya't maya magflash ng pangalan niya sa screen.

So ayun na nga. I went with him inside. Nakaupo lang ako sa tabi. At first, during the praise and worship of the kids, he is participating naman. Enjoy si kulit! He is singing and dancing with the other kids.

Eto na... Nung pinaupo na lahat ng kids para sa class rules, nabore na si kulit. He is already starting to create attention from other kids. May sinasandalan... May tinutulak... May kinukurot... Panay saway ko! Na-stress talaga ako! There was a point na may tinulak siya na masmalaki sa kanya. Ayun, binalikan siya. Eh pikon, tinulak niya ulit. Bago pa magkapikunan, kinuha ko na siya. Kinausap ko to stop doing what he is doing kung hindi ilalabas ko siya sa Kids Church.

Tinabi ko siya sa mga kuya niya. Ang bwinibwisit naman yung mga kuya niya. Ang kulit lang talaga. For him kasi, yung mga ginagawa niya is play lang.

Tapos nung may activity kung saan nag-ask ng volunteer yung teacher, gusto niya siya rin. Nung hindi siya napasama, pinuntahan yung napili tapos inagaw yung glass na may liquid. Natapunan tuloy yung bata. Muntik na umiyak! Pinasorry ko siya, nagsorry naman si kulit.

Dahil ayaw ko na ng trouble pa, tinabihan ko na until they were grouped according to age.

When he was with the kids of his age, he was doing well naman. He is participating sa mga activities and he is answering naman the teacher's questions. Sadyang maharot lang talaga, kaya may times na kinukulit yung katabi niya.

During crafts time, he did his work on his own. Nakakatuwa panuorin kasi gumagawa talaga siya and he even shouted "Finish!" While showing his work to his teacher.

Here is his work...



During snack time, kain din siya. Nakakahiya lang kasi parang PG (patay gutom) siy kumain. As in namumuwalan! Hahaha!

After that, play play naman sila kaya kita ko sa kanya na nag-eenjoy siya sobra.

Maya maya, may mga parents na na dumating to get their kids. Eh nataon na yung teacher nila ang in-charge sa pagtawag ng kids. In other words, no activities na for their group. Ayan na naman si kulit! Na-bore na naman! Ang siste niya, tatayo sabay takbo then tatalunan yung nakaupo niyang girl classmate! Oh my talaga! Yung ginagawa niyang harot sa mga kuya niya, ginawa niya dun sa girl. Eh ampayat pa naman. Pinag-sorry ko siya. Buti na lang at hindi umiyak yung bata.

Kaya ayun, bago pa makasakit, nilabas ko na.

Na-stress talaga ako sa anak ko na iyan. Sa kambal, wala akong naging problema eh. Haaaayyysssttt. Iba-iba talaga ang mga bata. Mukhang ilang Linggo pa akong sasama kay Christoff sa Kids Church. I really have to make sure na mawala ang pagiging maharot niya bago ko siya iwan ng tuluyan. I believe na darating din yung time na he'll behave well.

So that's it!

No comments:

Post a Comment