Minsan, kahit nananahimik ka lang at kahit sobrang ingat mo, kung mamalasin ka, mamalasin ka talaga.
Hindi ko pa nakwekwento dito sa blog ko. Last year, December 25 (yes, paskong pasko), binangga kami. Alam niyo yun, hindi naman ganun ka-busy yung street na dinadaanan naming at hindi naman mabilis ang takbo ng auto naming, bigla na lang kami sinalpok sa likod. Eto pa... yung auto namin, 1 month pa lang. Tipong pagpumasok ka sa loob, amoy bago pa. MALAS! Next, ang nakabangga sa amin ay motor. MALAS! At eto pa, pagod ka na,, gutom ka na, pumupoo pa ang anak mo! Di ko na ikwekwento in details dahil kadiri talaga. MALAS! Oh di ba? San ka pa?
So last night, in less than 2 months, another accident happened. Binangga na naman si hubby! This time, yung car naman niya. Nakahinto lang siya dahil sa traffic tapos may nagleft turn na bus papuntang gasoline station sa likod niya. Ayun, sinabitan siya! Warak yung tail light niya and gasgas ang bumper niya. Haaayyysssttt! Perwisyo talaga. Imbis na nakauwi siya ng maaga, umaga na siya nakauwi dahil sa mga police report eclaver na kailangan. At ang matindi ba niyan, kabago bago ng bus na nakadali sa kanya, wala raw insurance. So goodluck na lang kami sa singilan nito.
Pero eto ang funny part... Since sanay na sanay na ako sa asawa ko kapag tatawag sa akin at sasabihin na nabangga siya... Eto na lang ang sagot ko sa kanya...
"Di ka naman takaw bangga ano? Meron atang nakapaskil sa likod mo na 'BANGGAIN MO AKO!' eh"
Haaayyy buhay.... Shit happens talaga!
No comments:
Post a Comment