Ads

Monday, February 06, 2017

My Super Simple Husband and His New Bag

My husband is so simple. Walang kaarte arte sa katawan yan.

Sa food, kahit anong ipakain mo sa kanya, kakainin niya yan (Basta edible ha!). Lahat masarap. Sabi nga nila, may vetsin daw siya sa dila. Hahaha!

Nagbabaon si hubby everday. Mas gusto raw niya ang baon kaysa bumili ng food. Mas nabubusog daw siya and mas gusto niya ang luto ko (Naks!). Kasi nga naman, sa labas, magastos na, bitin pa! Nakakatuwa ano? Bilib nga sa kanya parents ko eh kasi raw hindi nahihiya magbaon. Yung iba raw kasi nahihiya kapag baon ang pagkain.

When it comes to eating out. Adventurous din si hubby. Kahit turo turo lang, ihaw ihaw or street food, kumakain yan. Mahilig din yan sa mga eat all you can and rice all you can. Kung saan siya mabubusog, ok sa kanya. Pero siyempre it doesn't mean naman na hindi kami kumakain sa mga bonggang restaurant. Hehe!

Sa susuotin niyang damit, hindi rin mapili yan. Branded man o hindi, susuotin niya. Actually, wala naman talaga siyang pakialam, basta kasya sa kanya, ok na sa kanya yun.

When it comes to shoes, wapakels din siya sa brand. As long as comfy sa kanya, ok na sa kanya. Sa katunayan nga ang pampasok niya na shoes is yung World Balance Easysoft lang. Yung tig P399.75 lang. Pero in fairness ha, yun talaga yung nagtatagal niya na everyday shoes. Natry na namin mula sa mura hanggang sa mahal na shoes, eto lang ang durable. Ang plus pa dito is waterproof siya. Di kasi siya leather. Rubber siya na mukhang leather shoes.

Pero ang drawback naman sa pagkasimple niya is hindi niya ginagamit yung mga pricey things niya! Alam niyo yun, para siyang may museum. Sobrang minsan lang kung gamitin.

For example...

Sa shoes, pagmamamasyal kami, mas pipiliin pang gamitin yung Happy Feet na buy 1 take 1 na nabili ko ages ago kaysa sa Sperry niya. Kesyo nakakahinayang gamitin daw. Ang sabi ko naman, mas nakakahinayang kung masira lang dahil hindi nagagamit. Di ba ganun ang mga shoes, rumurupok kapag di nagagamit?

Sa watch naman, ganun din yan. Yung Seiko watch lang niya ang ginagamit niya. Yung ibang watches niya, nakatago lang. Alam niyo yun, nakakaloka talaga!

Tapos eto na...

Nasira na kasi yung messenger bag niya. Sabi ko sa sarili ko, reregaluhan ko siya ng signature bag para naman bagay sa profession niya. Basta makita ko ang tamang leather bag, bibilhin ko para sa kanya.

Nung nagpunta kami sa Guam, dun ako naghanap. Mas mura kasi dun ang signature kasi tax free sila. So nakita ko na and binili ko na ang "the one"...


Nung binili ko yun, alam ko na ang magiging banat niya. Sabi ko nga sa mom ko, ang problema niyan baka hindi gamitin kasi manghihinayang yan malamang. Then, tama nga ako. Nung nakapagsolo kaming dalawa...

Doc Padu (mukhang namromroblema): Be, kailan ko gagamitin yung bag?
Me: Everyday!
Doc Padu: Ha!? Sayang naman.
Me: Niye! Kailan mo ba balak gamitin yun?
Doc Padu: For special occasion lang.
Me: Ano ka ba? Kaya nga binili ko yun para gamitin mo eh.
Doc Padu: Ang mahal kasi eh. PXX,XXX.XX pang aaraw araw ko lang?
Me: Ok lang yan. Tumi lang yan ha, paano pa kaya kung Prada ang binili ko sa iyo. Sabi ko na nga ba manghihinayang kang gamitin yun eh. Basta, gagamitin mo yun!

Anyway, wala na siyang magagawa. Nilipat ko na mga gamit niya sa new bag niya. Haha!

No comments:

Post a Comment