Ads

Thursday, May 26, 2016

Store Finds: Boys' Sandals

The twins have Crocs sandals. Yun yung shoe wear nila that they could wear sa kahit anong clothes. Mapa shorts man o pants bagay. It was given to them by there Lolo Em. More or less mga 3 years na siguro yun. Kaya naman ang tagal nang isinusuot, pinasuot na kasi namin sa kanila kahit malaki pa sa kanila noon. Ngayon, maliit at laspag na laspag na. Sa sobrang long overdue na ng pagpalit ng kanilang sandals, hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinuper glue yun.

Since need ko nang palitan, naging 2 ang criteria ko. First is the design. Kailangan walang pinipiling damit gaya ng Crocs sandals nila. Yung tipong kapag nagtravel, kahit yun lang ang bitbit solve na. Second is the cost. Ako kasi, praktikal. Kahit mura, hindi ako maselan as long as the thing does its purpose and hindi rin ako tatakonscious. Besides, kahit masira man o mawala, at least, hindi masakit sa bulsa.

Kaya when we went to Landmark last Sunday, nagscout kami ng mga sandals and we purchased this pair...




Nope! It's not Birkenstock! It's SPARTAN! Nakakagulat, right? Kahit ako nagulat nung nalaman ko what brand eh. Tapos yung price niya less than P400.00 lang. Pwede na di ba? Matibay din naman kahit papaano ang Spartan di ba? Hahaha! Imagine that, I bought 3 pairs, for the twins and Christoff, which cost less than P1,200.00 vs a pair of original Birkenstock of the same design that that costs around P5,250.00.

What do you think guys? 

No comments:

Post a Comment