When it rains, it pours! That is the phrase that could describe the series of unfortunate events that we experienced the past few days. Experiences na sobrang naka-hassle sa amin at naka-cause ng unforeseen expenses.
First, nasira yung refrigerator namin. Mga last week ng May yun. Unti unting nawala yung lamig ng freezer hanggang nawala na ng tuluyan. I tried saving the all the food from the freezer by cooking all of it. Unfortunately, may mga nasira at inamag pa rin. Sobrang daming nasayang. Nakakainis! Ako pa naman yung taong ayaw ng may nasasayang na pagkain.
We had our ref serviced. Sobrang tagal ng inabot dahil mali yung unang assessment. Kaya ayun, mga ilang araw kaming nagtiis sa cooler. At dahil sobrang gastos sa ice at sobrang hirap ng walang ref, pinadala ko sa house namin yung old ref namin para may magamit kaming temporary ref. Buti pa nga yung old ref namin, kahit more than 10 years na, ayos pa rin ang andar. Samantalang yung existing ref namin, mag- 4 years pa lang, nasira na kaagad.
So ayan, nagawa na siya. Pero kamusta naman ang damage sa bulsa? Actually, hanggang ngayon, di ko pa rin tanggap yung inabot ng pagpapagawa ng ref namin. Imagine, almost 6k! Para akong nagpagawa ng sasakyan eh.
Second, last June 10, nahuli si hubby ng beating the red light. Actually, yellow pa yun eh. Alanganin na huminto. Ayaw na lang makipagdiskusyon ni hubby at baka dagdagan pa yung violation na ilagay. Di ko pa alam how much ang magiging damage nun. Pero according to my mom, mga 2k daw yun. Haaayyysssttt...
Third, June 11 ng gabi, biglang nawalan kami ng kuryente. Akala ko brown out. Pero pagsilip ko sa labas, kami lang ang walang kuryente. I checked our circuit breaker, wala namang nag-trip. I called hubby to go home immediately and help me find what caused it. Chineck niya yung meter base namin, medyo loose na. So we called Meralco to check on it. Buti na lang they responded immediately. Nakita nila na corroded na yung connection namin sa main line and they fixed it. Looking at the bright side, at least nangyari yan na nandito kami kesa naman wala kami di ba?
Fourth, June 12, biglang nagkaroon ng gas leak yung gas burner namin sa dirty kitchen. Nadiscover lang ni hubby when he replaced the LPG tank. Biglang nagkaroon ng explosion. Buti na lang sa labas ng house and hindi nasugatan si hubby. Yun lang, nasunog yung arm hair niya.
Di ko talaga maisip kung bakit nagkaroon ng gas leak eh. Nagluluto lang ako then naubusan ng gas. Tapos nung pinalitan ni hubby, dun lang lumabas. May explanation ba dun? Something to do with pressure ba since bagong palit yung LPG? Anyway, looking at the bright side, buti hindi sumabog habang nagluluto ako. Yun nga lang, kailangan na naman namin bumili ng new gas burner.
Fifth, natapunan ako sa mukha ng toyo! Hahaha! While cooking inside our house, nung inaayos ko mga condiments sa upper cabinet, nabuhos yun toyo sa mukha ko. Malas lang talaga!
Ang dami ano? Sunod sunod talaga eh! Tama na, quota na kami!
Hopefully, after all these troubles, good things will happen next... =)
No comments:
Post a Comment