Ads

Thursday, May 26, 2016

Store Finds: Boys' Sandals

The twins have Crocs sandals. Yun yung shoe wear nila that they could wear sa kahit anong clothes. Mapa shorts man o pants bagay. It was given to them by there Lolo Em. More or less mga 3 years na siguro yun. Kaya naman ang tagal nang isinusuot, pinasuot na kasi namin sa kanila kahit malaki pa sa kanila noon. Ngayon, maliit at laspag na laspag na. Sa sobrang long overdue na ng pagpalit ng kanilang sandals, hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinuper glue yun.

Since need ko nang palitan, naging 2 ang criteria ko. First is the design. Kailangan walang pinipiling damit gaya ng Crocs sandals nila. Yung tipong kapag nagtravel, kahit yun lang ang bitbit solve na. Second is the cost. Ako kasi, praktikal. Kahit mura, hindi ako maselan as long as the thing does its purpose and hindi rin ako tatakonscious. Besides, kahit masira man o mawala, at least, hindi masakit sa bulsa.

Kaya when we went to Landmark last Sunday, nagscout kami ng mga sandals and we purchased this pair...




Nope! It's not Birkenstock! It's SPARTAN! Nakakagulat, right? Kahit ako nagulat nung nalaman ko what brand eh. Tapos yung price niya less than P400.00 lang. Pwede na di ba? Matibay din naman kahit papaano ang Spartan di ba? Hahaha! Imagine that, I bought 3 pairs, for the twins and Christoff, which cost less than P1,200.00 vs a pair of original Birkenstock of the same design that that costs around P5,250.00.

What do you think guys? 

High School Crush

Around 2 weeks ago, when we attended a sponsored dinner at a buffet restaurant somewhere in MOA, I saw my crush when I was in 4th year high school. Parang tanga lang ako dahil di ko alam ikikilos ko. Fumi-feeling teenager ba. Hahaha!

I even told hubby that I saw my HS crush...

Me: Be, halika dito dali...
Doc Padu: Bakit?
Me (whispering): Be, nandito yung crush ko nung HS... 
Doc Padu (kidding me): Tara, alis na tayo!
Me: Hahaha! Sira!

Anyway, ayun na nga... Speaking of fumifeeling teenager, para bang biglang nagflashback yung mga experiences ko kapag nakikita ko yung crush ko. Hahaha!

Ano nga ba ang mga yun?

*Pasulyap sulyap - kapag nandiyan so crush, aaligid na ako or pwepwesto somewhere na masusulyapan ko. 

*Spotting - familiar ba kayo sa term na yan? Ginagamit pa ba itong term na ito ng mga kabataan ngayon? Yan yun term kung saan alam mo ang whereabouts ng crush mo tapos yung tipong papanuorin mo na di niya alam. Example niyan is kung may basketball game tapos papanuorin mo.

*Excited na after lunch break dahil makikita na naman si crush. Sa school kasi namin, nilolock yung rooms kapag lunch break. Nagka-issue kasi sa mga klepto eh. Anyway, so after lunch, may pila na yan sa labas ng classroom bago buksan ang mga doors. Kaya naman excited ako dahil 1 section away lang kami and lagi ko nakikita sa pila si crush.

So ano naman ang naganap sa restaurant? Siyempre WALA. Hahaha! Gusto ko sana mag-hi man lang dahil kahit papaano batchmates kami pero na-shy ako eh. And besides, may ka-date ata. Hahaha!

Oh highschool life nga naman... Imagine, that was 18 years ago na? Ang tanda ko na pala talaga!

How about you guys? May moments din ba kayo na nakita niyo yung dati niyong crush? What di you do?

Thursday, May 19, 2016

Tips: How to Clean A Stained Toilet Bowl

Pasensya na sa topic ha... Usapang inidoro kasi eh. Hahaha! Feel ko lang i-share dahil natuwa ako nung nilinis ko yung toilet bowl ng common CR namin.

Yung common CR kasi namin, bihirang magamit. Usually, we only use the master's CR. Nagagamit lang yung common CR namin kapag may visitors kami. Since bihira ngang magamit at I don't have a helper, bihira ko rin masilip. In short, nagkaroon ng stain yung toilet bowl which mukhang nakakadiri. Yung tipong malinis naman pero mukhang madumi.

Here is the picture...




Ang yucky ano? Actually, ang dami ko nang pinaglalagay diyan. Nandyan ang cleansing powder, Domex, Zonrox at kung ano ano pa. Ang dami ko na ring brush diyan na tipong ang sakit na ng braso ko pero ayaw pa rin matanggal. Ayaw ko naman gamitan ng muriatic acid dahil nadala na ako dun sa CR ng apartment namin. Hindi kasi ako marunong gumamit eh. So puro kong binuhos sa tiles, kaya ayun, nangitim dahil nasunog! Hahaha!

Then, nagkaroon ako ng light bulb moment. Sabi ko, lihain ko kaya? So ayun na nga, bumili ako sa hardware ng waterproof na papel de liha (sandpaper) yung pinakapino. Around Php 10.00 lang ata yun.

I tried muna a portion then nung napansin ko na hindi naman nasira yung bowl, niliha ko na lahat. Sobrang natuwa ako dahil natanggal yung mga stain!

Here it is...




Ok di ba?

How about you? Paano niyo tinatanggal yung stains ng toilet bowl or tiles niyo?

Wednesday, May 18, 2016

Ina's First to Six Month Birthday Celebrations

Halu!!! I'm back!!! Grabe ha, last time pala ako nakapagblog is January pa! Ganun pala talaga ako ka-busy... Sa ka-busy-han ko, di ko man lang napansin na malapit na pala mangalahati ang taon. Haaayyysttt... O kay bilis ng oras...

Speaking of mabilis ang oras, ang bebe girl ko mag-seseven months na sa 22! 5 months na lang at 1 y/o na siya. Omigosh!!! I need to start preparing na sa kanyang 1st birthday! Hala!

Since missing in action ako ng ilang buwan, I'll share to you the pictures of my unica hija during her monthly birthday celebration. Yes, may monthly pa rin. Kailangan pare pareho silang magkakapatid. Hehehe.

Well, kung si Christoff ay "postponio" dahil laging napopostpone or meron laging aberya sa mga events niya, si Ina naman may pagka "steal the spotlight". Why "steal the spotlight"? Kasi simulat sapul, may kahati na siya sa birthday niya at ako yun! Hehehe! We share the same birthday kasi eh. Sabi nga ng daddy ko, hindi niya raw alam kung matutuwa or maiinis sa akin ang anak ko in the future dahil ginawa kong pareho ang birthday namin. Imbis na sa kanya lang ang spotlight, may kahati siya. Binigay niyang example yung cousin ko na same birthday ng lola ko. Laging sine-celebrate yung birthday nila together. And for this year, nataon na debut niya tapos 85th birthday pa ng lola ko which parehong kailangang i-celebrate. Kaya nga niloloko ng mga relatives ko yung cousing ko na pag-iisahin ulit ang birthday celebration nila ng lola ko. Hehehe!

Anyway, ganun na nga, sa loob ng 6 na monthly birthday ng unica hija ko, 1 lang yung nag-celebrate kami na walang kahati. Hehehe!

For her first month, we celebrated it at Causeway Restaurant in Banawe. Sinabay namin dito yung advance birthday celebration ng Lola ko and Tita Ninang ko since wala yung parents ko sa mga birthday nila.




For her second month birthday, blowing of cake and picture picture lang ang naganap since we need to attend a reunion/Christmas celebration ng MMC IM batch ng hubby ko.




Ina's 3rd month naman, we celebrated it at home pero paspasan lang since we need to go somewhere dahil may event na kailangan i-attend si hubby and kasama kami dun.




We celebrated the 4th month birthday of Ina at Las Casas de Acuzar in Bataan. We were there also to celebrate our 10th year wedding anniversary.




Finally, wala nang kahati for the 5th month birthday celebration. We celebrated it at home. =)




And for Ina's 6th month, we celebrated it at The Wholesome Table at Capitol Commons together with the graduation celebration of the twins.




Ano masasabi niyo? Ang tipid di ba? Laging 2 in 1 ang celebration? Cake na lang ang kailangang bilhin! Hahaha!

So that sums up the first six months birthday celebrations of Christina Reine. I hope and pray na may time and energy pa ako to prepare for her next monthly birthday celebrations and of course, sa kanyang first birthday. =)