Ads

Monday, May 25, 2015

I'm Scared to Death Last Friday

Last Friday, I was really scared to death. Sabi ko nga kay hubby, sa tala ng buhay ko dun lang ako natakot ng husto. Iba pala talaga kapag anak mo na ang pinag-uusapan ano?

Ganito kasi yan... Last Wednesday morning, nag-start na magfever si Christoff. We were closely monitoring him and nacocontrol naman namin ang fever niya through paracetamol and wet towel. Then last Friday morning, may swimming lesson ang kambal and mukhang uulan, so I decided to leave him at home na lang tutal naman our plantsadora (Sally) was there to watch over him and he didn't have a fever na naman that time.

For about 1 1/2 hours we were out of the house then when we came back kinamusta ko kaagad si Christoff. Sally told me na inaantok na raw si Christoff and patulog na (Sally was just infront of Christoff sewing something).

Knowing Christoff, nag-rereact kaagad yan sa voice ko kahit ano pang antok niya. So I found it weird na hindi man lang ako sinalubong. I immediately went close to him and called his name. Hindi man lang nagrerespond sa tawag ko ang anak ko and hindi gumagalaw (He was in a curled up position). Kinabahan na ako, kaya kinuha ko siya kaagad. Paghawak ko pa lang, ramdam ko na sobrang inaapoy na sa lagnat si Christoff. Tapos hindi man lang siya gumagalaw. Alam niyo yun, parang tigas na tigas. Nung nakita ko yung legs and arms niya, sobra namang lamig and nangingitim na and nanginginig siya. Kaya dali dali ko siyang inakap para mabigyan ko ng human heat then I tried to keep him conscious. Sobrang natakot pa ako dahil yung eyes niya parang gusto niyang ipikit. Kinausap ko siya ng kinausap na sabi ko don't close his eyes. Then I got a wet towel at pinunasan ko siya.

At eto pa, I tried to keep my calm as much as possible para di ako magpanic. Si Sally ba naman, bigla pa sasabihin na "Ma'am Che, si Christoff, nangingitim na ang labi!" Sino ba naman ang hindi lalo matatakot di ba? Kaya sabi ko  "Wag kang ganyan Sally!" Umiiyak na talaga ako that time. Kung anu ano na ang sumasagi sa isipan ko. Alam niyo yun, sobrang takot na takot ako na baka anong masama ang mangyari kay Christoff.

After ko mapunasan si Christoff, I tried to breastfeed him. Buti naman at nagsuck siya. Medyo nakampante ako dahil nagrespond siya. Then I called na my mom and husband to tell them what was happening that time and to tell them that I'll bring na Christoff to the hospital.

I brought Christoff to Perpetual Help Hospital since yun na ang pinakamatinong hospital na malapit sa house namin. When we were there, when the nurses tried to check his vital signs, umiyak na siya and nanlaban. Dun lang talaga ako nakampante ng todo dahil umiyak siya. Kasi all the time tahimik lang siya eh and walang kibo. Sabi ko nga eh, mas gugustuhin ko pa yung iyak ng iyak kesa yung tahimik lang na di ko alam kung ano na nangyayari sa kanya.

Anyway, they got some blood and urine samples from him para makita yung cause ng fever niya. Ang hirap pala panuorin yung anak mo na iyak ng iyak habang kinukuhaan ng dugo ano? Awang awa ako that time kay Christoff. Buti na lang at magaling yung med tech dahil one shot lang siya.

Moving forward... The doctor was considering if it was just a chill or a seizure (kombulsyon). Hindi ko kasi nawitness kung ano talaga ang nangyari eh. Nadatnan ko na lang na ganun siya. If kombulsyon daw, possible na tapos na yung episode nung nakita ko. At ang weird pa dahil wala man lang nakita sa mga exams na ginawa sa kanya. So possible na viral siya.

Dapat icoconfine siya but hubby decided that we'll just closely monitor him at home. Kaya ayun, that late afternoon, we went out na rin sa hospital.

Guess where we went after? We went to our manghihilot to check if Christoff has a pilay or bati (usog). It turned out na may bati si Christoff. Ang lakas daw ng nakausog sa kanya. Matandang babae daw. I remembered that we were at the football training of the twins the night before and bigla na lang siya nilagnat kinabukasan ng madaling araw. Ewan ko, there's nothing wrong naman siguro kung maniwala kami sa mga faith healers di ba? Anything, gagawin namin, para lang gumaling ang mga anak namin. Kayo ba, do you believe in such things?

Anyway, yun yung happenings last Friday na sobrang nakapagtaranta sa akin. Imagine, for just 1 1/2 hours lang ako nawala, ganun na nangyari kay Christoff. All the while, akala lang ni Sally natutulog si Christoff, yun pala naninigas na. What if nahuli ang dating ko? Buti na lang at nandyan lang si God. May guidance siya. Para bang binulungan ako that time.

Moral of the story: Never ever leave any of my sons if they are sick. Dapat closely monitored talaga! Iba pa rin ang pagbabantay ng ina.

So that's it! Everything is ok now. We had Christoff checked by his pedia and it turned out that he had Roseola. He is back to his normal state now - malikot and matakaw! We really thank God for always being there with us.

Goodnight everyone! =)

No comments:

Post a Comment