Ads

Wednesday, May 13, 2015

Food Trip: Goto Monster

Hello guys! How are you? Ako, as usual, busy pa rin. One more reason kung bakit sobrang busy ako ay dahil may summer classes kasi ang Kambalistik eh (swimming and football) kaya di talaga ako mapirmi sa bahay. Yes, nakakapagod... Pero kailangan tiisin dahil para sa mga bata eh. =)

The football classes of the twins are held at Blue Pitch located inside Circuit Makati every Tuesday and Thursday. Gabi yun so we eat our dinner na lang somewhere in Makati since alanganin na kung sa house pa kami kakain. Kaya ayan, nag-umpisa na naman ang foodventures namin ni Doc Padu. I told hubby na samantalahin na namin ang pagpunta sa Makati. I-try na namin yung mga hole in the wall restaurants na di pa namin nakakainan.

Last night, we ate at Goto Monster. Why Goto Monster? Wala lang, naalala ko lang bigla yung place dahil niyayaya kami minsan ng brother ko dun dahil nafeature dati sa TV. Yun yung parang may Man vs Food challenge wherein you need to finish a big bowl of goto.

Eto yun o... remember?




No! We didn't dare to try the challenge. Ang mahal kasi kapag natalo eh! Hahaha! Pero, pwera biro, mahirap ata ubusin ang isang bandehadong mainit na goto!


Anyway, here is the facade of the restaurant...




All the while, I thought the place is a bit big pero when we went there, maliit lang pala. Parang mga 20-30 pax lang ang pwedeng kumain doon eh. Take note, dun sa bilang ko, kasama na yung setup sa sidewalk.


The dining area...




See the posters at the wall? Nakakaaliw yung mga yun. Different faces yun ni Goto Monster. Ginaya niya yung mga known people like Freddie Aguilar, Wanna Change, Tessa Prieto, FVR, Elvis, etc.

See the bowls there? Yung malaking bowl, yun yung sa challenge. Mukhang maliit pero malakit talaga siya sa personal.


My boys waiting for our order...




Hungry boys! Inaaliw na lang nila mga sarili nila. Like for the twins, they played with the toothpick. Ginagaya nila yung isang Ninja Turtle, baka si Rafael yun. Hehe!


The kitchen...




Everything is prepared there. When you order, hindi siya tulad ng ordinary na gotohan/carinderia na sandok and serve ang ginagawa. You have to wait for minutes talaga kasi they prepare your order from scratch.


The condiments...




They have patis (fish sauce), toyo (soy sauce), suka (vinegar), bagoong (fermented fish), dried chili and paminta (ground pepper).


We ordered the following:


Chickenbagnetsilog...


P120.00


I ordered this for the twins. Patok naman sa kanila. Yummy daw and they loved it! Naubos nga nila eh.


2 orders of Goto Special...


P85.00


Their goto has ox tripe, spring onions, salted egg, tinapa and toasted garlic. Ang sarap niya ha, in fairness. The salted egg and tinapa added more flavor to the goto. Plus the paminta. Mahilig kasi ako sa paminta eh, kaya mas lalo kong nagustuhan.

Pansin niyo yung salted egg? Nagmamantika right? Panalo promise! Di ba nga sabi nila, if you buy salted eggs, yung nagmamantika dapat.

You know what? Sobrang nakakabusog etong bowl ng goto na ito. Eh paano ba naman, ang lalim ng bowl. Actually, pwede siyang good for two kung may iba pa kayong order.


Tokwa...


P65.00


Ang sarap ng pagkaluto nila sa tokwa. Crunchy from the outside pero soft siya inside. Ang hindi ko lang masyadong type is yung sawsawan nila. For the sawsawan, I mixed toyo, suka and dried chili. Matabang siya para sa akin. I just hope na may ready na sila na sawsawan for their tokwa dishes. Sa sawsawan din kasi minsan ang secret eh. Ang type ko kasi yung mix ng toyo, suka, onions, garlic, fresh chili and sugar.


Tokwa + Bagnet...


P95.00


Kanino pa nga ba ito, eh di kay hubby! Di pinalagpas ang bagnet eh. Masarap naman daw. Yun lang din ang comment niya is about the sawsawan.


Duck Salted Egg...


P30.00


For this one, nagkamali ako ng basa. I thought duck salted egg fried rice siya. Bigla kong naisip yung fried rice na nakain namin sa Brunei wherein there are a lot of salted duck egg yolks in it kaya inorder ko. Yun pala salted egg lang talaga. Hehehe. Pero


Bibingka Special (Waffle ala Mode)...


P135.00


This is for our dessert. This is a bibingka waffle with special bukayo, duck salted egg, salted caramel sauce and vanilla ice cream. Must try daw ito eh kaya ito ang inorder ko.

The kids enjoyed the vanilla ice cream. Ako naman, nag-enjoy sa duck salted eggs. Yes, medyo na-overload ako sa duck salted egg last night. Isang damakmak ba naman na duck salted egg eh. Bahala na ang cholesterol. Hahaha!

Pero sa totoo lang, yan ata pinaglilihian ko eh. Sobrang hilig ko mamapak (yes, as in papak na parang kumakain lang ng ordinary hard boiled egg) ng itlog na maalat eh. Kahit yun lang ang kainin ko, solve na ako.

Going back, their bibingka special (waffle ala mode) is yummers! Ang galing din ng presentation! Akalain niyo ba na meron silang ganitong food dito di ba?


For your reference, below is their menu...




For food lovers, I recommend this place to you. Their food won't disappoint. Yun lang medyo may pagkapricey yung food nila considering the ambiance of their place. Example na lang is their goto which is P85.00 compared to ordinary gotohan na around P30.00 lang. Hindi kasi proportionate yung ambiance sa presyo ng food nila eh. Sabi ko nga kay hubby, sana man lang naka-aircon na sila considering na ganun yung price range ng mga food nila. P615.00 din kasi ang total bill namin eh. Di mo akalain di ba? Parang mumurs lang yung place pero umabot pa rin kami ng 615.00.

Nevertheless, satisfied naman kami ni hubby. Masaya kaming umuwi ni hubby kasi masarap naman talaga ang food and nabusog kami ng sobra. =)


Goto Monster
245-C Primo Rivera corner
Pablo Ocampo Avenue
La Paz, Makati City
0916-3002600

No comments:

Post a Comment