After I settled in the car...
Doc Padu: Be, san tayo magdidinner mamaya?
Me: Ha!? Kakaalis pa lang natin ng bahay, dinner na kaagad ang nasa isip mo! Sinasabi ko na nga ba eh, kaya gustong gusto mo kami samahan hindi dahil gusto mo kami ipagdrive kundi dahil sa lafang!
Doc Padu: Hindi naman...
O di ba? Ano masasabi niyo? Hahaha!
Anyway, we had our dinner at Bagnet 8065. Actually, para siyang house talaga na kinonvert lang sa small restaurant.
Here is the facade of the restaurant...
As you can see, wala siyang parking area. Nataon lang na gabi kami kumain kaya walang problem magpark sa side streets. Hindi ko lang alam kapag day time kung paano yung parking.
Non-aircon area...
First floor from the door...
You may notice na maraming nakasabit sa gilid na frames and may mga awards. They belong to Kitchie Nadal. Nacurious tuloy si hubby. He thought that the restaurant was owned by her. To be sure, tinanong niya yung waiter. Yun pala it was owned by her brother.
First floor from the far end...
Second floor...
Akalain niyo, there are more seats upstairs pa pala. So ibig sabihin, marami talagang kumakain.
Actually, nung nagpunta kami, gabi na, around past 8pm na ata yun. Pero puno pa rin sa baba kaya may mga kumakain pa rin dito sa second floor.
Here is a picture of me with my twins...
Ang ganda ng mga ngiti ano?
So we ordered the following:
Bagnet Dinuguan (Budget Meal)...
P120.00 |
Order ito ni hubby. Supposedly, dapat yung good for two ang oorderin namin para di siya mabitin. Pero nung inobserve ko yung mga katabing table, malaki yung serving kaya nagbudget meal na lang siya.
Good thing that hubby got the budget meal. If ever na yung good for two raw ang kinuha niya, malamang hindi niya mauubos. Ang lakas daw sa kanin nung dinuguan! And ang sarap sarap daw! Are you familiar with the crispy dinuguan of Kanin Club? Parang ganun din daw ang lasa and texture. Kaya ang description niya with his food is "SOLID"!
Pero sabi ko nga kay hubby, sana inorder muna niya yung Original Bagnet para at least alam niya yung lasa nung "the usual" na inoorder. Sa susunod na lang daw sabi niya. Hahaha! Pero ha, nakita ko yung mga budget meal na Original Bagnet, ang daming bagnet! According to the server, 200grams daw ng bagnet yun eh.
Crispy Chicken Curry (Budget Meal)...
P120.00 |
This is my order. I ordered curry, kasi favorite ko yun lalo na kapag maanghang. For this one, medyo nadisappoint ako sa curry sauce. Hindi siya yung ineexpect ko na may kick. Yung curry niya, yung typical Pinoy curry. Yung bland lang and mas angat yung gata kesa sa curry powder. Pero with the crispy chicken, wala akong masasabi, lumelevel sa Max's yung lasa. Masarap yung chicken nila. And in fairness ha, ang laki ng chicken.
Original Crispy Chicken (Budget Meal)...
P115.00 |
This is what I ordered for the twins. As I have said earlier, their chicken is yummy. Nagustuhan ng mga bata. How did I know na nagustuhan nila? Naubos nila yung food eh. Haha!
We ordered tortang talong kaso lang na-sold out na. Pero buti na lang wala na kasi sobrang nakakabusog na yung order namin. At siyempre we also ordered extra rice and 1.5L of Royal.
Our total bill is only P505.00! Pwede na ano? Busog na busog naman kami paglabas eh. Hahaha! Sobrang highly recommended namin ang Bagnet 8065 lalo na sa mga carnivorous diyan! Hahaha!
For your reference, below is their menu...
Bagnet 8065
8065 Estrella St.,
San Antonio Village, Makati City
by the way, they have another branch which is at Leon Guinto St., Malate, Manila.
Well, where will be our next stop? Hmmm... Perhaps we will try Chichops...
Til' our next foodventure!!!
No comments:
Post a Comment