Ads

Monday, November 10, 2014

Sunday Lagare + Centris Walk

Yesterday is such a hectic Sunday for us. As in lagare to the max. Si Curacha lang naman ang peg ko that day. Hahaha!

First, I had less than 3 hours of sleep. Kuya Bimbo and Ai kasi went to our house eh. As usual, kwentuhan galore na naman kami. Umuwi sila ng mga past 3:00am na. Ang nakakatawa pa dun is naiwan nila yung supposedly na ipinunta nila (the king crab claws that my MIL gave them).

Wala kasi akong excuse to wake up late. Kailangan ko mamalengke dahil wala nang laman yun ref namin. Dahil kung pinili kong matulog, wala kaming kakainin for this week. Ayaw ko naman magdildil kami sa delata di ba?

Anyway, when I arrived home, we readied for the first party that we'll attend that day. 10:30am ang party so we left home at around 10:00am. Tapos we don't have a gift yet. Kaya ayun, pinauna ko na muna si hubby with the kids sa party while I look for a gift.

After the first party, lipad kami to Max's Sucat to attend naman a Christening party. As expected, late kami. Pero grabe ha, busog pa ako from the first party tapos kain na naman. Kaya ang nangyari, abot hanggang leeg na yung pagkain sa katawan ko. Hehe.

Then for the last event that day was my brother's birthday celebration. Since gabi pa naman yun, we got to rest at my parents' condo at Newport. Matutulog dapat ako since antok na antok ako, kaso lang hindi nagmaterialize dahil nakipagkwentuhan ang mom ko. Hehe.

We left the condo a little bit past 5:00pm since 6:00pm daw ang dinner sabi ng aking brother. The venue is at Eton Centris. We went to Centris Walk in particular...




Okay pala dun sa Eton Centris ano? Ang tagal na kasi ng place na yan pero dinadaan daanan lang namin kapag nagagawi kami somewhere north. Ang dami palang mga kainan dun and masarap tumambay. Yun nga lang, it's too far from where we live. Kumbaga, probinsya na sa amin yun. Tapos with the matching heavy traffic sa EDSA, nevermind na lang. Hehe.

Anyway, here are some pictures around the place:

There are many restaurants around the area...






A playground...





Bungee Fun...




We celebrated my brother's birthday at Kuse. Filipino food siya pero may konting twist. In fairness ha, masarap yung mga food nila plus yung rice nila malagkit lagkit tapos served steaming hot. Kung hindi lang talaga ako busog, malamang ang dami kong nakain. Hehe.

Here is our picture at the restaurant...




 Ang dami namin right? Yung mga kasama namin, mga future in-laws ng brother ko. Finally, pinakilala na niya sa amin. Hehe. =)

After dinner, libot libot muna kami. Supposedly, I'm suppose to try the Bungee Fun. Unfortunately, the guy manning it did not allow me. Super bad trip talaga. Excited pa naman ako mag somersault para pakitaan ang mga chikitings ko. Chos! Natatakot siya baka masira daw. Kainis lang, naglagay pa sila ng paskil dun na basta hindi 200 pounds pwede. Eh wala naman akong 200 pounds eh, 199 pounds lang naman ako eh. Joke! Pero yung nga, wala naman akong 200 pounds talaga tapos di ako pinayagan. Super nakakadisappoint lang. =(

Pero buti na lang ang mga Kulilits, brave like their mommy. Kahit hindi nila ako nakitang mag-bungee they still tried it.

Here are their videos:

Ian...




Chris...




Ang galing nila ano? Bilib nga ako eh, nakakatuwa kasi buo ang mga loob nila.

After the Bungee Fun, naglaro pa ng kaunti ang mga Kulilits sa playground while kaming mga oldies, umupo na lang at nagkwentuhan. Then after ilang minutes, we called it a day na.

That's our tiring but fun Sunday!!! Goodnight guys! =)


No comments:

Post a Comment