Ads

Friday, November 07, 2014

Pasalubong From Europe and Dubai

Papa G and Mama G just came back from their 3-week Europe and Dubai trip. Sarap nila ano? Panay ang gala. Actually, sa work talaga yun dahil sa business meeting with Crowe Horwath International in Paris. Sinulit lang nila yung pamasahe kaya nilubos lubos na ang tour. Kumbaga, nandun na lang din naman, eh di mamasyal na ng bonggang bongga.

Deserving naman sila for this kind of vacation because of their hardwork here in the Philippines kaya nga I'm very happy for them. Excited na excited nga ako for them bago pa sila umalis eh. Ang tagal na rin kasi nilang gusto pumunta doon and timing din dahil they just celebrated their 35th wedding anniversary.

Sobra ngang dami nilang pictures and kitang kita sa kanilang mga mukha na they really enjoyed the trip. Wait, may naalala ako. Natatawa ako sa dad ko. Kasi nung first week nila dun, nag-aabang ako ng mga pictures nila pero wala akong nakita ni isa. Kaya nung nagkachance na makausap ko sila sa Viber, I asked him bakit hindi siya nagpopost and I told him na inaabangan ko pictures nila. Secret na lang ang sagot ni daddy ha. Hehehe. Pero wag ka, after ko magrequest na magpost siya ng mga pictures, ayan na, sunod sunod na ang pagpost niya. As in flooding to the MAX!!! Hahaha! Tawanan nga kami nung nagkwekwentuhan kami pagkasundo namin sa kanila sa airport eh. Sabi kasi ng brother ko na nag-unsubscribe (tama ba yung term?) na siya sa mga posts nila daddy dahil sandamakmak na notifications ang nakukuha niya. Hahaha.

Sa shopping naman, si mommy pigil na pigil daw siya dahil ilang kilo lang ang allowed na baggage for them. You want to see my parents' pasalubong for us?

Here are their pasalubong for the boys...


Camel stuffed toys, Laughing Cow cheese, Boots, T-Shirt, Toothbrushes and some Patchi chocolates

Talagang tinotoo ni mother ang pagbili ng boots sa mga bata ha. Sabi kasi niya sa akin bago sila umalis, that she'll buy them boots dahil maraming nice leather boots dun. Yung Patchi chocolates naman, bigay yun ng cousin ko from Dubai, nagshare lang sila sa amin since chocolate lover si Ian.

Here are their pasalubong for me...


Leather bag, everyday canvas bag, Christmas chocolates, Christmas knives, pistachio nougat and decorative tissue

The leather bag doubles as a birthday gift na for me since it was my birthday last October 22. My mom asked me if type ko and here is our conversation...

Mama G: Anak, eto oh binili ka namin ng bag. Leather yan kaso hindi na signature. Yung Goyard naman kasi tumingin kami ng daddy mo nasa isang daang libo mahigit tapos hindi pa leather lahat. Nakakita nga daddy mo ng 1,800.00 gusto na sana bilhin kaso sabi ko parang hindi naman worth it dahil hindi naman purong leather. Type mo ba?

Me: Hmmm... Ok lang naman kaso parang pangmatanda...

Mama G: Pangmatanda ba? Yan ang uso ngayon na designs eh. And besides, matanda ka na eh!


AROUCH naman!!! Talagang pinamukha pa sa akin ni madir na matanda na ako. Pero di pa naman ako 40's eh. Hahaha! Pero ok lang naman sa akin yung design, yung texture lang talaga ng leather na parang crocodile skin, yun yung malakas makatanda. Hehehe.

I really loved the everyday canvas bag. Ang lakas maka-chic eh. Pang-araw araw talaga. =) And the Christmas chocolates, pang display ko raw yun sa table ko. Ang nice din nung mga knives eh. Sobrang cute!

And here's a pahabol pa...




This is a ceramic choker and bracelet in one. Very Mama G ito. Siya kasi ang sobrang mahilig sa mga accessories eh. That's even during her dalaga days.

Aside from that, may mga ref magnets pa raw siyang ibibigay. Hindi pa lang daw niya naaayos mga gamit niya.

And here are the pasalubong for hubby...


Assorted cheese and perfume


Yan ang mga type ni hubby. Ang hilig kasi sobra sa iba't ibang klaseng cheese. Tineterno niya yan sa wine.

Medyo madami ba? Pigil pa raw ang pagshop ni Mama G sa lagay na yan ha. Hehehe.


1 comment:

  1. Nice trip from Dubai, and sure you like the adventure traveling
    I like your blog, thanks for sharing your experience

    Bali Tours, Bali Driver

    ReplyDelete