Ads

Tuesday, June 16, 2015

Sakit sa Ulo!

Last Tuesday, we got a new house help from Leyte. My first impression? Mukhang hindi tatagal and aanga anga (sorry, I'm just being honest here). Aside from my first impression, I have an intuition that she only went to Manila not for work but just for the sake to go and see what Manila is considering that she is only 17 years old. I actually made that clear to my mom that I said to her "Ma, ang bata ha, baka naman hindi trabaho ang hanap niyan dito." My mom said "Hindi naman, kailangan ng pera nito."

Anyway, I still got her kasi wala naman akong choice dahil nakapagbigay na ako ng pamasahe. So there, I briefed her on what she'll do. I actually prepared and printed her daily tasks. Detailed talaga yun para she won't miss out a thing and para hindi na rin ako paulit ulit ng instructions. Basically, ang work niya is linis ng buong house (labas at loob), dilig ng halaman, linis ng kotse, hugas ng pinggan, hiwa ng mga ingredients sa panluto and be with us if ever na aalis kami. She agreed naman. Kaya ayun, I bought her na some toiletries and shoes for her uniform.

During her first day, wala naman problema. Then the following days came, dun na nag-umpisa ang mga kasablayan. Actually, my first impression na "aanga anga" is definitely TRUE! Here are some instances:
  • Ang mga basahan namin, may kanya kanyang gamit yan. Merong pang-floor, may panglamesa, may pangfurnitures, may pang dirty kitchen, may pang rice cooker, may pang muta ni Pawie, at iba pa. I briefed her with that and made it clear to her. In fact, nandun naman ako demonstrating to her. Pero wag ka, parati, as in parating nagkakamali! Yung pang muta ni Pawie, muntik na ipamunas sa table buti na lang at nakita ko. Yung pamunas ng table, ipinampunas sa furnitures. Tapos yung pamunas ng floor, halatang halata naman na kakaibang basahan, pero yun ang ginamit pamunas ng table. Actually, marami pang ibang instances na paulit ulit lang ako. Kulang na lang na lagyan ko ng label ang mga basahan para hindi magkamali.
  • In feeding Pawie. I gave instruction to her kung gaano karami ipapakain kay Pawie. Twice ko inulit sa kanya. The first one is when we were still inside the car and the second one is during the time na papakainin na niya si Pawie. I told her na kalahati lang ng lalagyan ang ipapakain kay Pawie. Pero wag ka, inubos pa rin niya yung food for Pawie!
  • I told her to sweep na the garage. Sweep lang ang pinagagawa ko, pero ano ang ginawa? Sinabon na na naman ang buong garage! Eh 2x a week ko lang pinasasabon yun and kasasabon lang niya the day before.
  • Sa paglinis ng house, hindi pulido. Ang term namin dun ay "Linis Kiki". Like for example, when I got home from the wet market, I saw our front yard na may poo poo pa ni Pawie and the side yard na marami pang sukal. I asked her if finish na siya magwalis sa labas, sabi niya tapos na raw. Sabi ko, sigurado ka? Sabi niya sigurado daw siya. Kaya ayun pinakita ko na ang dumi pa. Then sa loob naman ng house, ewan ko kung anong klaseng mop ang ginagawa niya eh. Pinapasadahan lang ata ng mabilis eh kaya may mga patches pa ng dumi. At marami pang ibang linis kiki!
  • Sa paghiwa ng ingredients. Sayote - nagsample na ako kung paano ang hiwa. Alam niyo ang ginawa, kulang na lang maging kasing nipis ng papel yung hiwa eh. Bawang - nilabas ko na yung mga bawang. Nagulat ako bakit kokonti yung na chop. Sabi yun lang daw ang inilabas ko. Pero hindi naman ako ulyanin and hindi naman ako matipid sa bawang pag nagluluto. So ano ginawa ko? Ininspection ko ang basurahan, ayun nandun sa basurahan ang ibang bawang kasama ang balat ng kalabasa. Chicken Balls - nagdemo na ako sa kanya kung paano maghiwa ng chicken balls. Ang paghiwa is waluhan bawat isa. Nung nakita ko naging small cubes. Sabi ko, di ba waluhan? Sagot niya, opo, waluhan nga po. So sabi ko paano naging waluhan eh ang liliit. Pinagpipilitan na waluhan ang ginawa niya hanggat nagsample ulit ako sa kanya. Ayun, tatawa tawa lang siya.
Actually, marami pang iba. Masyado na hahaba ito at nakakastress lang kapag naaalala ko. My mom even called me halos every day and kinakamusta ang bagong house help...

1st day...

Mama G: O, kamusta ang bago mong kasama?
Me: Ok lang, medyo slow lang.
Mama G: Pagtyagaan mo na lang anak. At least may taga linis linis, hugas hugas at hiwa hiwa ka.

2nd day...

Mama G: O, kamusta na?
Me: Ay Ma, nang bumuhos ata ng IQ ang Panginoon, hindi ata nakasalo eh!
Mama G: Hayaan mo na. Pagtyagaan mo na lang at baka mag-improve.

3rd day...

Mama G: O, kamusta na?
Me: Ang sakit sa ulo ma!
Mama G: Pagtyagaan mo na lang.


So ayun nga, ang sakit talaga sa ulo ng naging new house help namin! Why "naging new house help"? Kasi wala na siya!

Ang weird right? Siya pa ang may gana na umayaw, eh siya na nga ang pinagtyatyagaan. Nagtext sa mom ko yung cousin niya, sabi umayaw na raw yung pinsan niya sa amin. Ano kamo ang rason? All around daw siya!!! Ano kayang all around yun? Hindi naman siya naglalaba at nagplaplantasa! Hindi naman siya nagluluto! Hindi naman siya nag-aalaga ng anak ko! Tapos may pasyal pa siyang kasama. Nung past 3 days, puro alis kami, meaning, nakalibre siya sa mga gawaing bahay plus puro lafang pa!

Kinausap ko. Mahirap daw ang trabaho. Hindi ko naman matanggap kung ano ang mahirap sa trabaho, eh ako nagagawa ko naman plus the fact na nagluluto pa ako, nag-aalaga ng mga anak ko, naghohomeschool ako ng kambal at iba pang work. Tapos yung dati ko namang house help, wala naman reklamo at kayang kaya rin ang work. 

Tapos, maaga naman siya natatapos sa umaga. Kaya tinanong ko, o tapos ka na di ba? Ano sinasabi mo na mahirap at marami trabaho? Ang sagot lang niya is basta ayaw lang niya. O di ba? Sinasabi ko na nga ba na di trabaho ang hanap eh. Kasi kung trabaho ang hanap, kahit anong hirap ng trabaho, kakayanin dapat.

Anyway, wala naman kakong problema sa akin na umalis siya. In fact, ok na ok naman sa akin dahil sakit nga lang siya sa ulo for me. Sabi ko, basta may pambayad siya sa akin, kahit kinabukasan umalis na siya. Pero kung wala, hanggang katapusan siya para quits na kami. Kinausap niya ang ate niya, nagpapatubos.

This afternoon, nung tumawag sa akin ang mom ko...

Mama G: Anak, aalis na raw talaga yung maid mo.
Me: Ok lang. May pambayad na siya?
Mama G: Meron daw, babayaran daw ng ate niya eh. Ano ba ginagawa ngayon?
Me: Natutulog.
Mama G: Tignan mo! Nakakatulog naman. Ano bang mahirap sa trabaho niya? Ang sarap sampalin!

O di ba, pati mommy ko, na-iistress!

Pero sa akin, ok lang, kasi ako rin naman ang makukunsumi eh. Ang importante is naibalik yung nagastos ko sa kanya.

Kayo ba, may mga kasambahay problems din ba kayo???

2 comments:

  1. Dati meron. Pero ngayon, wala na. I'm so lucky talaga okay ang nanny ni baby. Pero yung sinundan, hay! mas malala pa sa naging kasambahay mo. first day, nasira niya yung combi blinds. tapos di naman pala marunong magkarga ng bata. Hindi ko talaga siya pinakarga kay baby. Pinastay ko talaga sa bahay SIL ko hanggang makahanap kami ng bago. Tapos pag pinagsasabihan ko, walang reaction. Parang walang narinig. As in! parang may something. Okay lang sana kung trainable pero waley talaga. Nakakahighblood. Luging lugi talaga. Para lang siya nagbakasyon sa bahay. I hope makahanap ka ng maayos. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly! Nakakahighblood talaga! Sobrang hinabaan ko nga lang talaga ang pasensya ko eh. Ang gusto lang ata na trabaho petiks lang. Sabi ko nga kay hubby, kung maaari lang talaga eh, mas gusto ko pa ang walang househelp dahil intindihin pa eh. Ang mapilit lang talaga is yung mom and hubby ko.

      Anyway, if ever makakuha ng panibago, sana nga makahanap ng matino.

      Have a nice day! =)

      Delete