In my case, what make homeschooling more challenging are:
- I homechool twins (and they are both boys) - yes, dalawa dalawa sila that I teach everyday. Minsan sabay, minsan isa isa. It really depends on the subject. Pero take note, dalawa pa lang yan. Soon magiging apat na sila (Christoff and baby no. 4). Pero I know naman na kakayanin ko because I know of some homeschooling families, na more than five silang nag-aaral. Sooner and later naman, I know na magiging magaan na sa akin. Right now, tutok since they are in their preschool years. When they reach gradeschool, most likely, guidance na lang ang gagawin ko.
- I still have a toddler (and soon an infant, again) - that is Christoff! He is really malikot and sometimes tends to be so clingy and demanding. Sabi ko nga eh, talo pa niya yung kambal. When Chris and Ian were 1 y/o, hindi sila ganyan kalikot. Let me say, x2 or x3 siya ng kambal!
- I don't have a househelp - I do everything in the house (except laba't plantsa). Imagine niyo na lang ako na parang trumpo sa umaga because most of the household chores, I do it in the morning while the kids are still asleep.
- I'm pregnant - supposedly, limited dapat ang galaw ko. Pero in my case right now, parang hindi ako buntis kung kumilos.
- I have a lot of paperworks (accounting for hubby's practice) - need kong tutukan ito. Need ko para sa mga BIR requirements and para sa pagbudget namin.
Actually, we are doing great in homeschooling. Sabi nga ng teacher/consultant during the twins' mid-year assessment, nakakatuwa kami dahil umpisa pa lang success story na. In fact, by next year (April 2015), isasama na ang kambal sa moving up. Meaning, grade 1 na sila at 5 years old pa lang.
Pero sa totoo lang, hindi everyday happy. May araw siyempre na medyo pre-occupied ako sa dami ng iniisip na gagawin ko, minsan not in the mood ako or di kaya yung kambal. Like last Friday, super stressed out ako sa kambal. Bakit kamo? Naku, mukhang hindi husto ang tulog nila at mukhang tinatamad mag-aral. I actually told them na we stop na and we'll just continue it the following day. Pero sila naman ang ayaw mag-stop. They want daw to study pa. Kaya ayun, 4 hours mahigit kami for just 1 subject! Imagine that!!! Tapos, si Christoff sumabay pa! Kung kailan di cooperative ang mga kuya, dun pa nag-ngangangawa at hindi mo alam kung ano ang gusto. Haaayyysssstttt....
Literally, I became a MOMSTER that day. Sobrang nanginginig ako sa galit (I'm not perfect, tao lang ako at nauubos din ang pasensya). I know that they know what we were studying that time. They were just pretending na hindi nila alam. Yung tipong, tinatamad mag-isip. Lam niyo yun. At eto pa, nung nagalit na ako ng husto, biglang bumilis ang mga utak! With Chris, in less than 10 minutes, natapos kaagad namin. Then nung tinawag ko na si Ian, ang bilis din then may comment pa siya na "I'm fast in homeschooling!" after namin matapos kaagad. Eto pa ang matindi, nung gabi, nagyaya sila magdraw. So nadatnan sila ng daddy nila na nagdradraw. At etong si Ian, nag-draw ng Spiderman then i-spell daw niya ang Spiderman and he'll write it down sa drawing niya. Ayun nga, ginawa niya mag-isa. Nag-spell mag-isa na mabilis. Sabi ko nga sa daddy nila, "Tignan mo yang anak mo na yan, yan yung lesson namin kanina eh. Kanina, kunwari di alam, tapos ngayon, mag-isang nag-spelling at marunong naman!"
Anyway, tapos na yun. I hope hindi na maulit ulit dahil nakakasira talaga ng bait eh. I said sorry already to my kids because I lost my patience and yelled at them. They said sorry din to me for not doing well in homeschooling.
At the end of the day,parang walang naganap na drama, back to our usual selves na kami. Yun naman ang mahalaga eh di ba? At least, alam ko lumipas ang sama ng loob namin sa isa't isa...
No comments:
Post a Comment