The boys were very delighted to see their pasalubong from Mama G and immediately wore them. Then after a few minutes, Chris laid down the floor and pretended to be dead with his fedora hat beside him.
Chris (on the floor): Look Mama G!
Mama G (wondering): Why are you dead?
Chris: I'm pretending to be the man in "Bayang Magiliw"!
Natawa kami ni Mama G since the man that he's referring to is Jose Rizal. Imagine that, very observant pala ang Chris. I'm teaching the twins kasi to sing the "Lupang Hinirang" (Philippine National Anthem) and I'm playing the song via Youtube. And here is the screen capture of the part wherein Jose Rizal fell down the ground which Chris was imitating...
Amazing right?
But wait, there's more! May bonus kuwento ako sa inyo...
Since aliw na aliw si Mama G sa ginawa ng kanyang apo this afternoon, hindi niya natiis na ikuwento ito kay Papa G habang nasa Church kami...
Mama G (to Papa G): Alam mo ba daddy, ang galing talaga ni Chris, biruin mo binili ko sila ng PANDORA hat tapos bigla ba naman humiga sa sahig at kunwari patay siya. Tinanong ko kung bakit, sabi niya kunwari siya yung sa "Bayang Magiliw". Yun pala si Jose Rizal daw siya. Hahaha!
Papa G (medyo di siguro gets ang story ni Mama G): ngingiti ngiti lang
Me (deadma kuno sa PANDORA hat): Ano yun Ma?
Mama G: Wala, kuwinento ko sa daddy mo yung ginawa ni Chris kanina. Naikuwento mo na ba kay Doc yung tungkol sa PANDORA hat?
Me: Di na makahinga sa katatawa
Mama G (natatawa na rin): Bakit?
Me: Kasi...
Ayun, di ko masabi sabi kung bakit, dahil tawang tawa ako. As in hindi ako makahinga at maluha luha pa ako sa katatawa.
Until medyo narelax ako...
Me (maluwa luwa pa at nagpipigil pa rin ng tawa): Kasi daddy, sabi ni mommy PANDORA hat imbis na fedora hat...
Papa G (natatawa rin): Naintindihan mo pa rin naman ibig sabihin ng mommy mo di ba?
So ayun, laugh trip na naman kami! Buti na lang at nakakatawa preaching ni Pastor Sonny dahil kung hindi nakakahiya kami kanina sa Church. =)
No comments:
Post a Comment