For Christoff's 1st birthday party, I'm a bit lax compared to the twins'. Sa twins kasi halos a year ang preparation and everything is personalized - from the invites to the giveaways. Hands on ako sa lahat kaya medyo stress galore ako nung time na yun. Ganun yata talaga kapag panganay eh, very excited. Hehe. Kaya for Christoff's party, sabi ko gusto ko ng less stress, kaya medyo relax relax lang ako. Pero sa totoo lang, nagkamali ako, sa lahat ng party na na-organize ko, dito ako pinaka-naSTRESS! Actually, hindi sa preparation pero sa actual party and post party. Kaloka talaga! I'll tell you about it later.
For the venue, my initial plan is at Ysabel's Garden which is located inside our subdivision. Maganda ang place and walking distance lang sa house namin kaya ok. Pero when I went there to make a reservation na, hala, nagprice increase na sila ng bongga na tipong pang-wedding na ang budget na kakainin. Tapos malaman laman ko na hindi pwede maglagay ng balloons. Ano kaya yun? Pwede ba naman magkiddie party ng walang balloons? Kaya ayun hindi ko na lang tinuloy.
So my mom suggested na sa Treveia Clubhouse in Nuvali gawin ang party. Initially, I had hesitations kasi ang layo sobra. Sta. Rosa ba naman di ba? Pero on a second thought, ok na rin. First, sabay pasyal na ng mga guests sa Nuvali Park before or after the party and next, yung mga pupunta na guests, alam mong mahal ka talaga nila dahil willing sila magtravel kahit malayo. =)
Here are some pictures of the venue (without the party setup):
The entrance to the funtion hall...
Inside the function hall...
For the reservation of the place, very swift lang ang process. Very accommodating yung mga tao. You can even give your reservation a week before the function.
And for the function hall, wala akong reklamo. Maganda naman talaga, very spacious and they even have a pantry. Yun lang they don't provide a sound system kaya you should bring your own.
Eto na...
At the day of the event, we went to Treveia clubhouse to make sure that the setup is ok. Dun na nagsimula ang ka-stressan ko. Isa-isahin ko ha...
1. Guest List - At the guardhouse, they asked me why I didn't give them our guest list. Hello!? Nag-email kaya ako ng guest list and kinulit ko pa mga guests ko to give their plate number kasi kailangan din daw. Tapos malaman laman ko na hindi naman pala nai-forward sa guard. Hindi ko na lang pinansin kasi small thing lang naman and madaling solutionan.
2. Multimedia Projector - I requested for a projector since free naman ang pag-gamit. Aba ba naman, pagdating ko dun, hinanap ko, hindi raw sa kanila inendorse. Naloka ako ng slight dun ha. Buti na lang at may susi sila at nakuha yung projector at kung hindi, may magdridrive papunta ng Makati to get our company's projector. Or worse comes to worst, wala na lang projector. Meaning, sayang ang effort ni hubby dun sa AVP na ginawa niya and yung pagdownload niya ng Pocoyo videos para sa mga bata.
3. Extension Wire - Wala silang extension wire!!! San ka pa? Ang weird talaga! Buti na lang at laging may bitbit na extension wire si hubby sa car.
4. Universal Adaptor - Yung multimedia projector nila yung 3 yung pins ng saksakan (yung may pang ground). Nung hinanap namin adaptor, wala raw. Ewan ko kung paano sila nakapag produce.
5. Security Deposit - In my mind, I still have P8,000.00 security deposit. After the event, I asked them for my refund. Sabi wala raw iniwan. Nagulat ako kasi they asked me to pay the reservation and security deposit in cash para raw I can refund it right away after the event. So hinayaan ko na lang muna thinking na baka nakalimutan lang.
So yan ang mga ka-stressan ko during the day of the event. Now naman, the post party stress na binigay sa akin ng Treveia which hanggang ngayon hindi pa na-reresobahan.
I called them December 23 to ask when will I be able to get the refund. Aba ba naman sabi sa akin, "Ay Ma'am, wala na po kayong refund, In fact, kulang pa nga po kayo ng P4,000.00 eh!" I really flared up nung narinig ko yun. I said "What!!!!???" Akalain niyo, kulang pa raw ako ng P4,000.00.
Eto ang story niyan. Ang bayad kasi sa venue since we got Earth Hall A & B is P12,000.00 for 2 hours. I haggled na baka pwede naman gawing 3 hours yung P12k kasi masyado nang mahal if P16k for the venue lang. They are kind enough naman to allow me. I really thank them for that. Then you have to give them P8,000.00 as security deposit which is "refundable" daw. As I've mentioned earlier, they asked me to give the reservation and security deposit in cash para raw makuha ko kaagad yung refund after the event. Siyempre, I paid them in cash thinking I could get the refund right away and less hassle na rin for me na hindi ko na kailangan bumalik ng Sta. Rosa.
Pero yung kuhaan na ng refund na na nagkanda leche leche. Kaya daw kulang pa yung binayad namin dahil may bayad daw ang ingress and egress time. Pinacheck sa amin yung contract na pinirmahan ko. So may naka-state nga dun. Eto yun...
"2. Users should keep the Function Rooms tidy and reasonable clean after use. Maximum clean-up period is two (2) hours after the event. Clean up will be charged as succeeding hour's rate. The member, member's caterer or event organizer is responsible for the clean up after the event and must provide their own trash bags or receptacles and take these away with them when they leave the village."
Yes, aminado ako. Ako na ang TANGA na pumirma nito. Pero men, I tell you deceiving yung statement na ito. At first glance, you may have thought na the maximum number of egress time is 2 hours and succeeding hours shall be charged as succeeding hour's rate. Yun talaga ang pag-kakaintindi ko nung una. Dito lang talaga ako naka-encounter na walang provision na time sa ingress and egress. In fact, sino ba naman ang papansin sa ingress and egress, eh ang main concern mo is the function itself. Grabe di ba? Talo pa ang mga big HOTELS!
Next, di man lang nag-effort na tawagan ako at sabihin man lang na "Ma'am Tanga, sorry to tell you po na wala na kayong refund na makukuha. Tapos po may excess pa kayo na P4,000.00 na hindi na po namin sisingilin." Alam niyo yun? Ako pa ang tumawag ha at wala akong kaalam alam na wala na pala ako makukuha. Buti na lang kamo at nagdala ako ng pambayad sa ibang supplier that day at hindi ko inasahan yung refund. Kung hindi, ma-stress pa ako sa pambayad. Haaayyysssttt!!!
Imagine that, P20,000.00 for the venue lang. Naghaggle pa ako na gawing 3 hours yung P12k, yun pala mas mahal pa pala ang babayaran ko. Buti sana kung tinatae lang ang pera eh. At eto pa, kung sakaling siningil pa ako ng additional P4k. It means to say na P12k ang bayad sa function and P12k ang bayad sa ingress and egress time!? Ano kaya yun? Nagtatapon ako ng pera? Magbabayad ako ng P12k para lang sa pagset up and paglinis na di naman ginamitan ng aircon. Ang weird lang talaga! Kung naiexplain lang maigi about that, eh di sana hindi na kami dun nagfunction.
Di pa tapos ang laban! We'll still going to talk to the management of the association about that. Hindi makatarungan eh. Kahit saang anggulo mo tignan, hindi talaga tama. Ang mali lang talaga ay hindi ko nabasa maigi yung contract.
Sorry kung nagvent na ako dito sa blog ko about Treveia. Feeling ko kasi, nang-iisa sila eh. Guys, tell me, mali ba ako ng iniisip?
No comments:
Post a Comment