Ads

Saturday, August 09, 2014

The Dilemma: Dining Area Lights

Like what I've been telling you in my previous blog entries, we are currently renovating our new home. Yan ang nagpapabusy sa akin ng wagas for the past few months. And, hopefully, it will be finished within this month so that we could transfer there already.

Anyway, yesterday, I had a dilemma with our dining lights. Napaisip talaga ako ng sobra sobra to the point na hirap na hirap akong makatulog kagabi. I was thinking to replace the existing one kasi.

So ito ang pinagmulan ng lahat...

When we were told by our architect to buy lights for our dining area and sala, we searched at A&S Lamps and Wilcon. For the sala, our architect suggested na ceiling fan with light na lang. Hindi masyadong naging mahirap for us maghanap since ang daming choices sa Wilcon. By the way, here is our ceiling fan with light (we chose the a simple one with remote control)...




For the dining area naman, dun ako nahirapan ng todo todo. Wala talaga akong magustuhan. So I researched na lang sa net until I stumbled upon Azcor Lighting. I browsed their website and found this light...


Photosource

It's a capiz light. Sobrang like ko siya. Gusto ko kasi yung tipong may dating. Yung para bang may drama effect. So I inqured. Eto na, nung tinanong ko how much, muntik na akong mahimatay sa presyo. Around 30 to 40k ata. So sobrang nalungkot ako dahil hindi ko pa talaga carry bumili nang ganyan and hindi ko pa naman dream house yung nakatayo.

Since nawalan na ako ng choice, naghanap na lang ako sa Wilcon ng iba. So eto ang napili ko (at napilitan lang) at nakakabit na ngayon sa dining area namin...




Then yesterday, nung pumunta kami ni hubby sa SM Southmall, nakita ko ito...




Di ba almost the same dun sa like ko? Pero this one is in gray which I think is better para may contrast sa wall namin and magbleblend sa color ng mga counter namin. At eto pa, when I asked about the price. Ang mura lang niya, 5K lang.

So nagpapoll ako ngayon sa FB... Most of them chose the existing one kasi daw simple lang and mas madaling linisin. Pero para sa akin, gusto ko pa rin palitan. Kasi yung existing, parang hindi swak sa personality ko. Like what I said earlier, gusto ko may konting drama. Since hindi talaga ako mapakali, I asked an interior designer friend. She told me that she liked my choice better than the existing one, to follow my heart and to choose whatever will make me happy.

Kaya ayan, I'm decided to replace the existing one with what I like. =) To my FB friends, thank you for all your comments and suggestions!


2 comments:

  1. Hello! Ano po yung size nung ceiling fan niyo? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku di ko alam yung exact size... siguro more or less mga 40" diameter.

      Delete