The Kulilits nowadays are like chatterboxes. Parang machine gun ang mga bibig sa kadaldalan. Minsan nga during our Bible story session sa homeschooling session namin, inaabot kami ng siyam siyam dahil panay singit habang nagkwekwento ako. Ang daming mga tanong at ang daming alam!
In terms naman of vocabulary, bow ako sa kanila. "The TERMS" kung baga. Nagugulat na nga lang kami ni hubby sa mga pinagsasabi eh.
Scenario 1: No Problem
In Baler, sinuway ni Lola Es si Chris...
Lola Es: Chris, no. Don't do that.
Chris: NO!
Me (with pandidilat): Anak, is that being polite?
Chris (looked at me then Lola Es): Nooooo Problem!!!
Ok sa hirit ano? Ang galing sumegway ng anak ko. Bilib talaga ako sa takbo ng isip eh.
Scenario 2: Pandecoco
One night, nagkwekwentuhan kami ni hubby...
Me: Be, alam mo ba, ang lakas kumain ni Ian. Ang takaw grabe. Naka 3 pandecoco, eh ang lalaki nun.
Doc Padu (to me): Talaga? Growing boy eh.
Ian (butting in): I had 3 helpings daddy!
O di ba? Hanep sa terms. Helpings talaga eh. Pwede naman "I ate" o di kaya "I had".
Scenario 3:
One time, nasira yung party trumpet ni Chris...
Me: It's broken already anak, let's throw it.
Chris: I don't want to throw it. Please mend it mommy.
Me (I thought mali lang ang narinig ko): What?
Chris: Please mend my party trumpet mommy?
Doc Padu: Mend daw!
Me: Ah mend...
Chris: Yes, mend means fix mommy!
Anaknang! Manang mana talaga sa pinagmanahan. Grammar nazi na rin! Haha! Tama bang turuan pa ako? Nagulat lang naman ako dahil imbis na fix ang sabihin, mend pa talaga.
Scenario 4: Behave
When we were in the warehouse of Bizmode...
Doc Padu: Boys, this is not our house. You should behave.
Ian (went to Lola Es then whispered): Lola Es, behave. This is not our home.
Ang kulit di ba? Gaya gaya puto maya. Hehe.
Scenario 5: French Fries
While eating french fries...
Chris: Oooohhh french fries! I'm fond of french fries...
Me: Naks naman anak! Pwede namang like or love lang ang gamitin mo, fond pa talaga!
Grabe mga terms nila ano? 3 years old lang yang mga yan! Thanks to Disney Junior and Peppa Pig plus our story telling sessions. =)
No comments:
Post a Comment