Since it was a holiday yesterday, I requested hubby to accompany me to Soler (in Chinatown) so that I could buy the materials that we need for the on-going renovation of our house in BF Resort. Nagbakasyon kasi yung helper ko eh, kaya wala akong mapag-iwanan ng mga bata. So si hubby hindi ko na pinapasok para siya ang magsilbing driver ko at babysitter ng mga boys habang ako naman ay iikot sa Soler.
Pero.... Bad trip naman! Bakit kamo? Pagdating namin sa Soler, iilan lang ang bukas na mga tindahan. Sarado din pala ang mga stores dun kapag holiday. Ang weird lang talaga. Akala ko pareho ng Divisoria na walang holiday holiday. Kaya ayun, hindi ko nabili lahat ng mga dapat kong bilhin. So ngayon, ita-take note ko na yan, na never na ako pupunta ng Soler ng holiday. Haha!
Anyway, eto ang mga nai-shopping ko kahapon para sa house namin:
Master's bedroom shower set...
Ang napili ko diyan is yung nasa gitna, yung katabi ng square. Mura lang yan, tatak "buhin" kasi eh. Haha! Hindi ko pa kasi carry magsplurge sa mga branded eh, yung mga tipong 5 digits ang presyo. Mukha namang matibay eh, kaya pwede na siguro. And first time ko magpagawa ng house, so experience yan sa akin para kapag magpapatayo na ako ng talagang dream house ko (naks naman!), alam ko na. Hehe.
Common CR shower set...
Unbranded din ito and it's cheaper than the master's shower set.
Kitchen sink...
I got a medium-sized sink with a drain. Kapag masyado kasing malaki, baka naman maging puro lababo na yung kitchen ko. Hehe.
Faucet for the kitchen sink...
Eto yung sinuggest sa akin - bago raw and uso ngayon. Kaya ayun, naki-in na rin ako. Haha!
Solid black granite tiles for the nook and kitchen counter...
Supposedly sa Wilcon ako bibili ng granite tiles. Pero ang laki ng difference ng price kaya bumili na ako.
Tool box...
Our existing toolbox needs a replacement na kasi eh. Kaya eto, yung magandang klase na ang binili ko.
After more than two hours of walking around (yes, para akong nagwork-out kahapon sa tagal ng nilakad ko), sobrang namumuti na ang mga mata ko sa gutom, kaya niyaya ko si hubby to eat at Sincerity located at Lucky Chinatown Mall. Aside sa gutom na ako, way ko rin yan ng panunuhol sa asawa ko para di magreklamo. Hehe.
Here are what we ordered (clockwise) - Oyster cake, Sincerity fried chicken and chami...
After eating, iniwan ko muna sila hubby sa restaurant para magbakasakali ulit ako makahanap ng mga pang-electrical such as switches, dimmers and outlets. Meron din daw kasi dun sa 11/88 and 999 eh. Pero pagdating ko dun sa mga mall na yun, yung mga tinda eh yung mga generic lang and yung mga mukhang hindi mapapagkatiwalaan. Kaya ayun, sa awa ng Diyos, hindi pa rin ako nakabili. Haha!
Para naman hindi ako umuwi ng luhaan, bumili na lang ako ng mga microfiber churva:
Dish drying mat...
Ang cute di ba? Ang gandang pang-give away sa pasko. Kaya bumili na ako ng marami.
All purpose towels...
Eto naman, pamalit sa mga basahan ko sa bahay. I'll use this kapag nakatransfer na kami sa new house namin (excited lang).
So ayan ang happenings namin kahapon. Next time na lang ulit ako bibili ng iba pang materials. =)
No comments:
Post a Comment