Ads

Monday, April 28, 2014

Takaw Bangga

Masasabi ko na may kotse at taong sadyang takaw bangga...

Para sa kotse, ang maibibigay kong halimbawa ay yung dating kotse ng mommy ko na Lancer GLXI. Hindi ko alam kung yung kotse mismo ang takaw bangga o nakaka-attract yung kulay nito sa bangga dahil ito ay kulay pula. Naaalala ko talaga dati, laging nasa pagawaan yung kotse na yun dahil parati na lang nababangga up to the point na ginawa nang blue ang kulay nito.

Sa tao naman, ang classic example ko dito ay walang iba kundi ang napakapogi kong asawa na si Doc Padu. Hahaha! Kung hindi siya ang nakakabangga siya naman ang nababangga - nandiyan na yung nakastop-ball siya ng sasakyan na humantong sa demandahan, nakabangga siya ng motor dahil lang sa pagpunta niya ng 7 Eleven nung makarinig siya ng kaluskos sa bahay namin (Ang tapang kasi eh!), nasagi ang side mirror ng auto niya, nakabangga ng cement pipe pag-U-turn niya dahil sa inis niya sa guard nung ayaw siya palusutin sa BF Paranaque, nabangga siya ng bisikleta, nakabangga siya ng Sorento dahil nakatulog siya at iba pa na hindi ko na maalala.

Hindi naman lugi ang insurance sa asawa ko ano? Hahaha! Kidding aside, since nadala na ako sa masaklap na nangyari sa kanya noon (read "ALMOST") na napagastos kami ng pagkalaki laki dahil hindi namin ininsure yung dati naming sasakyan, hinding hindi ko na ngayon makakalimutan magpa-insure!

Anyway... Alam niyo ba?! Eto lang, eto lang Sabado ha. Ewan ko ba talaga. Napapakamot na lang ako sa ulo eh. Sa awa ng Diyos, ang 4 months old naming sasakyan, ayun nadali na naman!!! Haaayyyssstttt.... Haaaayyysssttt talaga! Buti na lang hindi si hubby ang nakabangga at ang nakabangga sa amin ay hindi motor, jeep, taxi o lumang auto. At least, bago bagong Montero na may insurance din. Slight lang naman ang damage eh. Gasgas lang sa bumper and fender (pero di ko pa rin matake dahil 4 months pa lang si Charlotte! Kainez talaga!). Yun lang, hassleness na naman yan dahil need ipasok sa casa ang car namin.

Kayo ba? Do you also believe sa mga car and mga taong takaw bangga?

No comments:

Post a Comment