Ads

Thursday, January 14, 2016

Shopping Spree for Christina Reine

Last Sunday, we  went to SM Southmall to buy Christina Reine (Ina) an outfit for her upcoming dedication.


Before I continue my kwento, I'll show you first a picture of hubby baby wearing Ina...







Ang cute nila ano? Slow clap din kay hubby kasi he is very willing to baby wear and wala ka talagang maririnig na reklamo sa kanya. Nakaka-inlove lalo ano? Hehehe.


There... balik na tayo...


Supposedly, dedication outfit lang talaga ang bibilhin namin. And here are Ina's outfit...













BUT... isa pang malaking BUT... biglang nagshopping spree kami for her!!! Paano ba naman, ang daming magagandang clothes for babies. Kung hindi pa ako nakapagpigil, malamang sobrang wasak talaga ang wallet namin.


Knowing me, hindi talaga ako bibili ng wagas eh. Maraming tanong muna lagi sa isipan ko bago bumili eh, like "Kailangan ba talaga?". Pero, may pahintulot ng aking asawa, so gow! Hahaha!


Here is our conversation while we are at SM:


Me: Be, ang gaganda o. Bibilhin ko ba?
Doc Padu: Maganda nga. Pang ilang months?
Me: 12 months
Doc Padu: Sige bilhin mo na, matagal tagal naman magagamit eh.
Me (About to return the items): Ang mahal eh. Huwag na lang...
Doc Padu: Sige na bilhin mo na yan. Matagal naman magagamit ni Ina yan eh.
Me: Sure ka?
Doc Padu: Oo. Para naman may maisuot si Ina kapag umaalis tayo.


O di ba? Yin and yang kami ni hubby. =)


Here are our loots for our unica hija:


Assorted dress...













Ok ba mga designs na napili ko? Parang gusto ko kasi na mala-prinsesa ang magiging mga outfit ni Ina eh. Para babaeng babae. Hehehe! =)


Pambahay clothes...







Some accessories...













Ang kikikay ng accessories ano? Sobrang nakakaaliw yung mga accessories sa SM, yung tipong gusto mo bilhin lahat. =)


Ang hirap pala kapag may baby girl ka na ano? Talagang parang may human doll ka. Ang sarap damitan!


I also bought something for myself and hubby. Wala kasi kaming susuotin na matino sa dedication eh. Alam mo naman kami, we seldom buy clothes and shoes. Bumibili lang talaga kami kapag may occasion or talagang kailangang kailangan na. Aside sa mahirap bumili ng mga clothes for us, we'd rather save na lang the money or spend it for the kids.


Here is the blouse that I bought...







A pair of shoes...







Siyempre, kailangan same hue kami ng suot ni hubby that's why I got him this short-sleeves polo...







I bought the boys new belts na rin. Nakakaawa na kasi yung mga belts nila kasi sobrang luma na.







Lastly, I bought a heavy duty pencil sharpener. Yung tipong pag-nasharpen na yung pencil, pwede nang maging weapon sa sobrang tulis. Hahaha! Kidding aside, I bought this sharpener na kasi nakakadepress yung mga nabibili kong sharpeners dahil ang papangit magtasa. Tipong ubos na yung lapis, hindi pa rin tasa dahil palaging napuputol yung lead.








So that's it! Yan ang pinagkaabalahan namin last weekend. =)

No comments:

Post a Comment