Ads

Monday, April 27, 2015

I Survived!

Officially, I survived having no helper for one week now! 

Whew! 

Officially, kasi last Monday umalis si Je Ann. Pero technically, 9 days na ako walang helper kasi weekend pa lang last week nasa day-off na siya.

Why siya umalis? Mag-aaral daw siya. That's good for her. Sana nga lang na makapag-aral talaga siya kasi sayang naman di ba kung di matuloy?

Para bang may hugot? Well, meron slight. Haha! Medyo meron kasi kaming issue with her eh kaya good timing din na nag-sabi siya na magpapaalam na siya. Medyo mabilis nga lang, pero why prolong the agony di ba? Ika nga ni Spiderman "Good riddance!". Ok na rin yun, at least umalis siya sa amin na ok kami hindi tulad nung dating experience namin sa helper namin before.

So how am I now? Mahirap ba?

Well, it's not actually mahirap... The right term for it is CHALLENGING! Challenging kasi hindi mo alam ang mood ng mga bata. Hindi enough na may routine ka lang at systematic ka. Masisira at masisira talaga yun kasi napaka-unpredictable ng mga bata. Nandiyan yung ayaw matulog. Nandyan yung tipong napakaclingy. Nandyan yung maya't maya hungry sila. At iba iba pa. Kailangan lang talaga, marunong ka mag-adjust at marunong ka magmulti-task.

Ok naman kami so far. Malinis naman ang bahay at nagagawa naman ang mga dapat gampanan. =) I've experienced it na naman before nung nagvacation ng 3 weeks si Je Ann. Mas-mahirap pa nga noon kasi baby pa talaga si Christoff tapos nagpapagawa pa kami ng bahay. Yun yung time na dala ko yung 3 bata every time mamimili ako ng mga materyales at pupunta ako sa site. At least ngayon, kahit papaano yung kambal nauutusan na at medyo nakakatulong sa akin. On the positive note, training na rin sa kambal yun. At least natututo sila sa mga gawaing bahay.

So yan ang one reason kung bakit hindi ako masyadong nakakapagblog now-a-days. Masyado akong BUSY na ina! Hahaha! Ako ay all-around maid ngayon sa bahay (except of course ang laba at plantsa).

Pagpasensyahan niyo na ako ha kung bihira ako makapagsulat ngayon. I need to prioritize things kasi eh. Basta promise, pag may time, magkwekwento ako sa inyo!

See you around guys!

Monday, April 06, 2015

Padua Twins' Summer Swimming Class 2015

Summer na!!! So... swimming time na naman for the Padua twins! I enrolled them again to a swimming class here at our clubhouse.

Today is their first day and, as always, they are enjoying it!

Here are their pictures that I took earlier...










Fun right? Very busy ang mga Kulilits this summer. They are taking swimming and football classes. =)

By the way, segway lang ako...

Medyo nalulungkot ako... You know why? Ang liliit kasi ng kambal eh! Ang lakas naman kumain at natutulog naman sila pero ang liit nila compared sa mga kasing age nila. Kahit ang pedia sabi maliit sila for their age. Pero they are not thin and sickly naman kaya ok lang daw. Umiinom naman sila ng Growee pero parang walang effect and ngayon pinapainom ng Scott's Emulsion para sakaling tumangkad. Ano ba yun? Dapat ba akong magworry? Hayyyysssstttt... Parang napunta kasi lahat sa utak ang nutrisyon eh. Hahaha! Sana nga may growth spurts!

So yun lang po... Good night everybody! =)

Food Discovery: Jack n' Jill Calbee Jagabee Potato Fries

From my latest trip to the supermarket last Saturday, I discovered a new product of Jack n' Jill. I don't know ha kung bago lang talaga siya, kasi it was my first time to see this product.

It's the Jack n' Jill Calbee Jagabee...




Since I wanted to try it, I bought all the 3 flavors - Classic Salted, Garlic and Cheese flavor. Yes, ganun talaga ako. Lahat talaga ng flavors binili ko para itry. Hahaha!

I first opened the classic salted flavor pack. Siyempre, you always try the classic flavor first! And the verdict? It's a yum yum!!! Kitang kita mo na real potatoes siya. Para lang siyang french fries na air fried.

The only drawback with this product is medyo bitin ang laman ng isang mini pack. Siguro ako I can eat 3 mini packs in one sitting. I tried checking the nutrition facts at the back, medyo mataas ang calorie content niya. Maybe that explains why konti ang laman ng isang mini pack.

Anyway, with the price naman, P62.00 lang siya for the stand up pouch (contains 5 mini packs). Pwede na di ba? Considering na real potatoes siya. Para ka na rin bumili ng large fries sa Mc Do. Hehe.

I haven't tried the other flavors yet. Pero I'm sure masarap din yun. I'll definitely buy packs of these products in my next grocery shopping! =)