Whew!
Officially, kasi last Monday umalis si Je Ann. Pero technically, 9 days na ako walang helper kasi weekend pa lang last week nasa day-off na siya.
Why siya umalis? Mag-aaral daw siya. That's good for her. Sana nga lang na makapag-aral talaga siya kasi sayang naman di ba kung di matuloy?
Para bang may hugot? Well, meron slight. Haha! Medyo meron kasi kaming issue with her eh kaya good timing din na nag-sabi siya na magpapaalam na siya. Medyo mabilis nga lang, pero why prolong the agony di ba? Ika nga ni Spiderman "Good riddance!". Ok na rin yun, at least umalis siya sa amin na ok kami hindi tulad nung dating experience namin sa helper namin before.
So how am I now? Mahirap ba?
Well, it's not actually mahirap... The right term for it is CHALLENGING! Challenging kasi hindi mo alam ang mood ng mga bata. Hindi enough na may routine ka lang at systematic ka. Masisira at masisira talaga yun kasi napaka-unpredictable ng mga bata. Nandiyan yung ayaw matulog. Nandyan yung tipong napakaclingy. Nandyan yung maya't maya hungry sila. At iba iba pa. Kailangan lang talaga, marunong ka mag-adjust at marunong ka magmulti-task.
Ok naman kami so far. Malinis naman ang bahay at nagagawa naman ang mga dapat gampanan. =) I've experienced it na naman before nung nagvacation ng 3 weeks si Je Ann. Mas-mahirap pa nga noon kasi baby pa talaga si Christoff tapos nagpapagawa pa kami ng bahay. Yun yung time na dala ko yung 3 bata every time mamimili ako ng mga materyales at pupunta ako sa site. At least ngayon, kahit papaano yung kambal nauutusan na at medyo nakakatulong sa akin. On the positive note, training na rin sa kambal yun. At least natututo sila sa mga gawaing bahay.
So yan ang one reason kung bakit hindi ako masyadong nakakapagblog now-a-days. Masyado akong BUSY na ina! Hahaha! Ako ay all-around maid ngayon sa bahay (except of course ang laba at plantsa).
Pagpasensyahan niyo na ako ha kung bihira ako makapagsulat ngayon. I need to prioritize things kasi eh. Basta promise, pag may time, magkwekwento ako sa inyo!
See you around guys!
No comments:
Post a Comment