Yesterday, after we picked up the souvenirs of Christoff at Bagong Pagasa, Quezon City, we decided to look for a place to eat at Maginhawa St., Sikatuna Village, Quezon City. Talagang binaybay kamo namin yung buong Maginhawa St. before we decided where to eat. Ang dami kasing choices eh!
Until we saw Kazam House of Unlimited Shawarma... The words "UNLIMITED SHAWARMA" is the selling point there. Dahil dun, decided na si hubby to eat there. Sakto rin kasi dahil he was craving for shawarma for like weeks already. Nangungulit nga sa akin to go to St. James Bazaar just to eat shawarma kaso lang di ko pinagbibigyan dahil di na nga ako kumakain ng red meat.
Anyway, here are the restaurants (or shall I call food stalls with tables and chairs) where we bought our lunch...
Good Burgers
Good Burgers sells only chicken or vegetarian burgers. Sakto ito for me kaya dito ako bumili ng food ko.
Here is their menu...
We ordered the following:
Chick N' Chips...
I love their potato wedges. Lalo na if you dip it in their sauce. Ang sarap sarap! Kahit yung mga chikitings ko eh, they liked it. The chicken naman, I find it a little bit salty. Medyo na-over fry lang kaya medyo nag-dry. But still its good plus the fact that they used chicken breast here.
Best 3-Cheese Chicken Burger...
For the burger naman, it's really good kaso I find it bitin. I ordered the "Best" so it's priced at P145.00. Kaya for me, the size of the burger is not proportionate to the price. To picture it, I could describe the size of the bread to be the same as the large pandesal of Pan de Manila lang.
Etcetera Milk Tea and More
Ako naman, I love milk teas kaya I tried Etcetera Milk Tea and More.
Sakto din kasi they have a promo...
Here is what it looks like inside...
I ordered caramel milk tea, taro milk tea and wintermelon milk tea...
I only paid P160.00 for those 3 milk teas. Hindi ko na napalagyan ng floaters kasi hindi pa available yung pearls. The verdict: sakto lang. Nothing special. I don't know... Baka din siguro walang pearls kaya di ko masyadong na-enjoy.
Kazam House of Unli Shawarma
Eto na ang talagang hinintuan namin dahil sa "Unli Shawarma". Kami na, kami na talaga ang mahilig sa unli at eat-all-you-can! Hahaha!
The tables and chairs...
My boys...
Ang mga chikiting ko, mga naka PJs pa! Halatang binitbit lang namin ng tulog. Hahaha!
Here is their menu...
Here naman is their Unli Shawarma score board...
Ang kulit ano? Nakakatawa lang eh. Ang galing nang nag-isip nito. Hahaha!
Here is the first serving of hubby's shawarma...
Talagang dalawa dalawa eh. Hehehe!
My very happy hubby ready to lafang...
Guess how many ang naubos niya?
He finished 6. Kaunti pa ano? Hehe! Actually, he wanted more. Nanghingi pa nga siya ng 2 kaso lang hindi narinig ng waiter dahil iisa lang siyang tao ng Kazam tapos nagmamadali rin kami dahil hahabulin pa niya yung clinic schedule niya sa hapon. Kaya ayun, no choice siya, hanggang 6 lang. Sabi niya sa akin, tamang busog lang daw yung 6 na shawarma na nakain niya. Imagine that? Pero ang drawback nun is sumakit daw ang panga niya! Hahaha!
So that's our foodventures at Maginhawa St. We'll definitely go back there and try the other restos.
No comments:
Post a Comment