Ads

Tuesday, July 30, 2013

We are Blessed with a New Home

Ayan, I can already tell you guys kung ano yung isa ko pang pinagkakaabalahan nung mga nagdaang araw na nabanggit ko sa isang blog entry ko. We finally have a new home!!!

Ang tagal na namin ipinagdadasal na sana mahanap na namin yung tamang house for us. We want kasi to live either sa BF Paranaque or BF Resort Village. Gusto kasi ni hubby gitna kami in terms of location and malapit kami sa mga kainan and everything.

Before, may nakita na kami sa BF Paranaque na under ng PNB ata yun. Ok na sana ang location eh, lot size and ang price kaso nga lang red flag. May pending case pa. So we forego it na lang. Mahirap na di ba?

Next is that one Sunday afternoon, we decided to go house hunting again. This time sa BF Resort naman. Sabi ko kay hubby bahala na at baka maka-tsamba. Then, along Lalaine Bennet St., parang binulungan ako ni Lord na magleft dun sa isang street. I told hubby about it, masunurin naman kaya nag-u-turn kami. Then bigla akong may nakitang poster sa isang barber shop na for sale na bungalow. Pero since we are thinking of around 3.5M budget, may inoffer sa amin na ibang property which is along E. Padua St. We thought na mukhang yun na yung sign kasi ka-apelyido namin ang street. Pero when I saw the house, di ko feel kaya I insisted hubby to check the bungalow.

We went back to the barber shop and asked kung saan located yung bungalow. Sakto rin kasi yung street where we turned left dun din yung daan papunta dun sa property which is along Simonette Delos Reyest St. Then when we saw the house, we fell in love na. Though luma na yung house, very livable na tapos 300 sqm pa yung lot and marami ring fruit bearing trees. We thought that's it na. I did due diligence na nga with the property eh para sure na clean title bago kami makapag down payment. Nung time na magdodown payment na kami. Medyo nagkaproblema kami sa seller. Alam niyo yun, pabago bago ng isip. Tapos puro in favor sa kanya yung gustong nakasulat sa Contract to Sell. Medyo nairita na kami ni hubby kaya we decided na maghanap na lang ng iba.

Alam niyo yun, may prinsipyo kasi kaming sinusunod ni hubby. Kung para sa amin, sa amin talaga na walang hassle namin makukuha like yung experience namin sa pagkuha ng condo namin. Kaya ayun, finorego na lang namin yung property.

Muntik muntik na talaga maudlot yung pagbili namin ng property. Sobrang nafrustrate kaya kami ni hubby. Alam niyo yun, yung hopes namin sobrang high tapos nadisappoint lang kami nung seller. Haaayyyssssttt.

Anyway, tapos na yun. Mas better naman yung nangyari eh. Yung sign pala na binigay ni Lord is para makilala namin si Tita Olive, yung broker namin. Dun kasi siya nakatira sa Simonette Delos Reyes St. eh and siya rin yung SPA nung bungalow na dapat bibilhin namin. Si Tita Olive, parang family na namin. Lam niyo yun, sobrang gaan kaagad ng pakiramdam the first time we met her. Very open and straightforward siya. Siya yung tumulong sa amin para maghanap ng panibagong property tapos siya rin ang tumulong sa amin tumawad. Hehe. She is not after the income. Instead, she is after the long term relationship. Kasi kung tutuusin kapag hindi natawaran, mas malaki ang makukuha niya. Pero tinulungan pa rin niya kami to get the property at our desired price.

To cut the long story short, we got a better property in terms of lot size, location, price and most of all a very kind seller. Alam niyo yun, yung transaction namin, wala pang isang linggo tapos na! Ganun ka walang hassle. Yung tipong parang bumili ka lang ng candy sa tindahan. Kami nga ni hubby sobrang hindi makapaniwala sa nangyari eh. Kasi ibang iba talaga yung experience kaysa dun sa isang seller. As in complete opposite!

This is it na talaga guys! I want to share you some pictures of the property. It's a 326sqm lot with an old house which needs renovation pa kaya di pa masyadong kaaya aya yung mga pictures. We plan to start the renovation baka late this year or early next year na. Kailangan muna mag-ipon muna ng budget. Hehe.

Here is the frontage of the house. 70's na 70's ang style eh.




Here is the front garden. May mga fruit bearing trees na. Kailangan lang i-organize yung plants para umaliwalas.




It has a 2 car garage...




A mini garden on one side which I plan to put a trellis for the yellow bell and cherry blossom plants.




Here is the sala...




The dining area...




The main kitchen...




The dirty kitchen...




The first bedroom...




The second bedroom...




The common bathroom...




The master's bedroom...






The master's bedroom bathroom...






The backyard with a very big bahay kubo...








And the other side of the house with a lot of plants and trees...




That's it!

Ipon ipon muna kami pang renovate ng house. Hehe. I promise to share you kwentos about the house renovation and of course mga photos during and after the renovation. =)

2 comments:

  1. Congratulations!
    I am sure by the time na matapos ang mga renovations e yan na ang dream house na hinahanap nyo.
    Malaki ang paglalaruan ng mga kulits at ng darating pa.
    Can't wait to see you settled in the new home. God bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Tita! Minor renovation lang po Tita ang gagawin namin, gagawin lang po naming livable and magchange lang ng kaunti sa design. Pero yung dream house namin baka mga after 10 years pa po siguro kapag nakaipon na po talaga ng malaki laki. :)

      Delete