Ads

Sunday, July 07, 2013

Furnishing of our Condo Unit

Ang pinaka-pinagkakaabalahan ko ngayon is yung pag-fully furnish ng aming condo unit sa Makati. As in! I live in Las Pinas kaya sa biyahe pa lang ubos na kaagad ang oras ko.

And guess what? Hindi biro ang mag furnish ng condo ha. Magastos! Nakakawasak ng wallet!!! To date, almost P100k na ang nagagastos namin and to think yung ibang kitchen appliance and gamit na dinala ko doon is stock ko pa. Tapos, may mga kulang pa kaming furniture and divider. Haaayyysssttt! Hopefully, next week madeliver na ang dapat maideliver para naman maayos ko na ng tuluyan yung condo. Kulang ko pa kasi yung mga decorative wall frames and ibang anik anik eh para naman magkaroon ng buhay yung unit namin.

Lam niyo ba, laking tulong ng internet sa akin. Kasi kahit nandito lang ako sa bahay, nakakapagcanvass ako and nakakadiscover ako ng iba't ibang options. Kaya ayun, kahit papaano nakakamura ako. All of our furniture online ko binili. Ang laking difference naman talaga kasi sa malls eh. As in libo ang difference. Yun nga lang, you have to trust your instincts kasi hindi mo nakikita ng actual yung items. Kapag naideliver na sa iyo, wala nang balikan. Except of course kapag may defect yung items na dineliver sa iyo. Tapos, aside from that, cash on delivery (COD) ang terms.

I'll show you yung konting improvements ng unit namin:

From bare condo unit...






To semi-furnished condo unit...



I only got a double bed for our condo. Super laki naman kasi if I queen size bed pa ang kinuha ko. Baka naman maging puro kama ang laman ng unit namin. Hahaha! Pasensiya na sa bed sheet ha. I know hindi bagay. Lumang bed sheet kasi muna ginamit namin since umo-overnight overnight kami sa condo habang nag-aayos. I already bought a new comforter set which I'll use if ready na for occupancy yung unit.

Tapos ang curtains... I wanted sana a darker shade kaso lang may color requirement ang condo. Dapat daw white, beige or yellow para raw maganda tignan sa labas ang building. And pansin niyo, may mga gaps yung curtain. I bought ready made curtains na kasi. Mas cheaper siya kaysa magpatahi ako. Reremedyohan ko na lang yan pagbalik ko. Kailangan ko tahiin para maging buo and need ko rin iksian yung haba.

With the curtain rod naman, wala na kaming choice. Napansin nga ng mom ko na medyo manipis yung rod na ginamit namin. Wala kasing matabang rod na angkop sa haba ng windows eh. Pero keri naman kahit papaano.




Eto yung kitchen namin. Ito yung kahit papaano complete na. The small kitchen appliances, tools, cookwares, dinner wares and silver wares are placed inside the cupboard para naman di masukal tignan. I'm thinking na lagyan ng malaking mirror yung wall beside the dining table para naman lumaki tignan yung unit namin.




Here is the living room area. Eto pa lang so far ang nandito. At least, nakaset-up na.

Basically, almost complete na. We will just wait for the sofa bed and chest drawer to be delivered para mafinalize na yung magiging design ng divider. Then yung carpet, decors and wall frames to follow na lang.

I'll show you the fully-furnished unit soon. Hopefully, bago matapos ang July tapos na kami dito. =)

No comments:

Post a Comment