Ads

Sunday, October 26, 2014

Food Trip: Cerealicious Cafe

Since we transferred to our new home, I've been seeing the Cerealicious Cafe around. Nakaka-attract lang talaga yung colors ng cafe kaya I got curious to try it. Actually, ang tagal ko na niyayaya si hubby to try it, kaso lang he always go home late na. Kaya ayun, one fine afternoon, niyakag ko ang aking mga Kulilits and we tried it ourselves.

I ordered a Blockbuster size of Charlie and the Chocnut Factory with a scoop of vanilla ice cream...


P130.00


This is a mix of Milo balls, Bananas and Chocnut. Like ko kasi ang bananas and Chocnut eh that's why I ordered this. I loved my order. Ang sarap lang talaga ng mix ng mga ingredients plus very smooth yung ice shavings. Yun nga lang I find it medyo matabang considering I got a full sugar level. Apart from that, medyo bitin ako. Hehe. Di ko alam, baka malakas lang talaga kasi ako kumain lalo pa na cold item ito. Hahaha!

For the price of their cereals, I think it's pricey for me kasi nga bitin ako kahit blockbuster size na kinuha ko. Pero personal opinion ko lang naman yun ha. Hehe. =)

For the boys naman, Ian ordered Blackforest Frappe while Chris ordered Mango Yogurt drink...




I got both of them a large drink kasi konti lang naman ang difference dun sa smaller na size. For Ian, he super liked his drink. Ayaw nga mamigay eh. Hahaha! Pero siyempre tinikman ko pa rin. Masarap naman pala talaga kaya ayaw mamigay. Hehehe. For Chris naman, hindi niya siguro masyadong type kasi may natira siyang kaunti. I tasted it, ummmm... medyo lasang gamot for me.

For the price of their drinks naman, sulit naman siya since nasa less than P100.00 lang ang mga price for the large size.

Overall, we had a great experience at Cerealicious Cafe. Probably, we'll go back for their cold drinks! =)

No comments:

Post a Comment